Bea kinontra ang isyung magkaiba ang level nila sa buhay ni Dominic: 'Never akong tumingin sa estado ng isang lalaki kahit kailan' | Bandera

Bea kinontra ang isyung magkaiba ang level nila sa buhay ni Dominic: ‘Never akong tumingin sa estado ng isang lalaki kahit kailan’

Ervin Santiago |January 29,2023
facebook
share this

Bea kinontra ang isyung magkaiba ang level nila sa buhay ni Dominic: ‘Never akong tumingin sa estado ng isang lalaki kahit kailan’

Ervin Santiago - January 29, 2023 - 01:13 PM

Bea kinontra ang isyung magkaiba ang level nila sa buhay ni Dominic: 'Never akong tumingin sa estado ng isang lalaki kahit kailan'

Dominic Roque at Bea Alonzo

ANG muling pagsugal sa larangan ng pag-ibig ang itinuturing ni Bea Alonzo na isa sa mga “best thing” na ginawa niya para sa kanyang sariling kaligayahan.

In fairness, mula nga nang maghiwalay sila ni Gerald Anderson, ngayon lang talaga nasasabi ni Bea na bukod sa blessings na natatanggap niya sa kanyang showbiz career ay super happy din ang lagay ng kanyang puso.

Matagal-tagal na rin ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque at mukhang sa kasalan na rin mauuwi ang kanilang pagmamahalan base na rin sa pahayag ni Bea sa kanyang mga interview.

Tulad na nga lang ng panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda” last  nitong Huwebes, January 26, kung saan diretsahan niyang sinagot ang mga kontrobersyal na isyu at intriga tungkol sa kanya.

Isa sa mga question sa kanya ni Tito Boy ay tungkol sa relasyon nila ni Dominic, partikular na ang magkaibang katayuan daw nila sa buhay at career.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Alam naman ng lahat na isa sa mga pinakasikat na celebrity sa showbiz si Bea habang si Dominic naman ay patuloy na nagpupursige sa kanyang professional at personal life

May issue nga ba ito sa celebrity couple at napag-uusapan ba nila ang intrigang ito? Sagot ni Bea, “Hindi, never akong tumingin sa estado ng isang lalaki kahit kailan.

“I mean, meron nga diyang iba ang ganda-ganda on paper, napagdaanan ko na yan, ang cute namin in paper pero hindi naman nagwo-work, di ba?

“Sa amin ni Dom, it was never an issue for me,” mariing sabi ng Kapuso star.

Sey pa ni Bea, may kanya-kanya namang sukatan ang mga tao pagdating sa pagpili ng mamahalin. Pero para sa kanya hindi hindi ang pagiging successful ang pinakabatayan niya.

“People, di ba, parang iba-iba yung basehan natin. People would always say to me, ‘Dapat nagde-date ka ng someone more successful than Dom or whatever.’ But how you really measure success?”

“Ako ang gauge ko, I’m successful because I am happy,” sabi ng aktres.

Nang ipakita naman ni Tito Boy kay Bea ang sweet photo nila ni Dominic sabay tanong kung ano ang unang punasok sa isip niya nang makita ito, sagot ng dalaga, “Happiness and contentment.”

Two years nang magdyowa sina Bea at Dominic at inamin naman ng una na napag-uusapan na rin nila ang tungkol sa pagpapakasal.

“We would talk about the future, definitely in building a family, ganyan,” sey ni Bea.

Tanong uli ni Tito Boy, “And when you do talk about the future, nadadaanan ba yung pagpapakasal?” Na sinagot ni Bea ng, “Siyempre naman. I’m already in my 30s so hindi puwedeng hindi mapag-uusapan yan.”

Bea love na love si Dominic: Sobrang inaalagaan niya ako, pinagsisilbihan, hindi nga ako sanay, e!

Bea, Dominic ibinandera ang pagmamahal sa isa’t isa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Direktor ng Pinoy version ng ‘Start-Up’ ikinumpara sa alak si Bea; personal na nasaksihan ang ‘magic’ ni Alden

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending