Bea love na love si Dominic: Sobrang inaalagaan niya ako, pinagsisilbihan, hindi nga ako sanay, e! | Bandera

Bea love na love si Dominic: Sobrang inaalagaan niya ako, pinagsisilbihan, hindi nga ako sanay, e!

Ervin Santiago |August 15,2021
facebook
share this

Bea love na love si Dominic: Sobrang inaalagaan niya ako, pinagsisilbihan, hindi nga ako sanay, e!

Ervin Santiago - August 15, 2021 - 10:45 AM

Dominic Roque at Bea Alonzo

INISA-ISA ng bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo ang mga qualities na nagustuhan niya sa kanyang boyfriend na si Dominic Roque.

Bukod sa pagiging super sweet at thoughtful, ang pinakabonggang katangian na hinahangaan niya sa hunk actor ay ang sincerity at honesty ng binata.

May mga nangnenega ngayon sa celebrity couple at nagpahayag ng pagkontra sa kanilang relasyon pero mas marami pa rin ang maligaya at kinikilig sa kanilang love story.

Sey ni Bea, masaya siya sa naging reaksyon ng fans nang ibandera na nila sa buong universe ang tunay na estado ng relationship nila ni Dominic.

“It wasn’t planned at all. Ewan ko, parang I felt it was the right moment, or maybe because I was feeling it.

“Sa totoo lang, nung birthday niya (Dominic), unang-unang post na lumabas kasi nasa Instagram Stories niya.

“Kasi nag-i-Story siya, obviously hindi niya ako ipinapakita kasi nga hindi naman kami ganu’n. I just grabbed his phone and I started recording and posted it.

“So may mga ganu’ng moments na, ‘I-share ko kaya ‘to? This is such a precious moment.’ Then parang nagtuluy-tuloy na lang from there,” pahayag ng aktres sa panayam ng GMA.

Pagpapatuloy pa ng dalaga, “I’m just happy na maraming kinikilig. I mean, anything that would make another person’s life lighter, why not, ‘di ba? 

“Bakit mo naman hindi ibibigay? I’m just happy na maganda ‘yung pagtanggap nila,” aniya pa.

Natanong din si Bea kung anu-ano nga ba ang nakita niya kay Dominic na nagkumbinsi sa kanya na magmahal uli after ng controversial break-up nila ni Gerald Anderson.

“He’s very caring. He really takes care of me, hindi nga ako sanay, e. Sobrang inaalagan niya ako because it’s really his love language, service.

“So talagang kapag kumakain kami talagang pinagsisilbihan ka and then the things na hindi ko iniisip na kailangan ko, biglang oorderin niya online para lang mas mapagaan ang buhay ko, all those things,” chika ng award-winning actress.

Dagdag pa ng Kapuso star, “Kasi matagal na kaming magkaibigan before nag-turn into something romantic. As in years, years pa magkaibigan na talaga kami and alam ko na talagang mabuting tao siya.

“I appreciate na never siyang nag-best foot forward. He’s just really honest, which I appreciate very much.

“He’s also very loving to his family. Makikita mo kasi, ‘di ba sabi nga nila dun mo makikita ang pagkatao ng isang lalaki, the way he treats his mom, dad, his siblings, and even his relatives.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“He’s very loving and alam ko na that’s the authentic him,” pagmamalaki pa ni Bea sa kanyang hunky boyfriend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending