Bea, Dominic ibinandera ang pagmamahal sa isa't isa | Bandera

Bea, Dominic ibinandera ang pagmamahal sa isa’t isa

Therese Arceo |July 24,2021
facebook
share this

Bea, Dominic ibinandera ang pagmamahal sa isa’t isa

Therese Arceo - July 24, 2021 - 02:50 PM


ALL out na nga ang rumored couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa pagpapakita ng pagmamahal nila sa isa’t-isa.

Matapos ang pagiging pribado at low key ng dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon, tila ngayon ay ready na ang mga ito na maging bukas sa publiko.

Nagsimulang maging usap-usapan ang dalawa mula nang makumpirma ang haka-haka na sabay silang lumipad pa-Amerika matapos lumabas ang mga litrato ng baby shower ni Beth Tamayo kung saan present silang dalawa.

Mas lalo pang naging matunog ang dalawa matapos mag-viral ang Instagram story ni Dominic ng video nila ng aktres.

Hindi pa man nakaka-move on ang madlang pipol ay may kumalat na naman na isa pang litrato kung saan magkaholding hands ang dalawa.

Hindi tuloy magkandayaw ang mga fans ng dalawa at tila nag-uumapaw ang kilig na nadarama.

Mukha rin namang walang balak magpaawat ang BeaDom sa pagpapakilig at isa na namang litrato ang nag-viral kung saan makikitang nakayakap si Bea kay Dominic.

Ang litrato ay ibinahagi ni Dominic sa kanyang Instagram account.

Isang kiss emoticon lang ang reply ng aktres ngunit hindi mapigilan ng ang mga taga-suporta nito ang pagiging masaya para sa dalawa.

“UNG PUSO KO UTANG NA LOOB”

“KALMA LANG HEART”

“Girlfriend reveal yarn???”

Ilan lamang ‘yan sa mga comment ng netizens.

Tila nga ito na ang kumpirmasyon ng dalawa sa mga tanong kung sila na nga ba.

At kung akala niyo, tapos na sa pagpapakilig ang dalawa, kumapit ma kayo dahil tila ito pa lang ang umpisa ng mas marami pang sweet posts together ng dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa katunayan, nagpost na rin ang aktres ng litrato kasama si Dominic sa Yosemite National Park sa Instagram nito na sa ngayon ay umabot na sa 256,601 likes na.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending