Dominic Roque super cry din sa engagement nila ni Bea: 'Sino bang mag-aakala na yung crush ko lang noon ay parte na ng araw-araw ko ngayon?!' | Bandera

Dominic Roque super cry din sa engagement nila ni Bea: ‘Sino bang mag-aakala na yung crush ko lang noon ay parte na ng araw-araw ko ngayon?!’

Ervin Santiago |July 23,2023
facebook
share this

Dominic Roque super cry din sa engagement nila ni Bea: ‘Sino bang mag-aakala na yung crush ko lang noon ay parte na ng araw-araw ko ngayon?!’

Ervin Santiago - July 23, 2023 - 09:55 AM

RAMDAM na ramdam ng mga taong sumusuporta at sumusubaybay sa love story ng engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang sobrang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Pinusuan at ni-like ng libu-libong netizens ang ibinahaging video ni Dominic sa social media kung saan mapapanood ang ginawa niyang marriage proposal sa kanyang fiancée.

Nitong nagdaang Biyernes, July 21, ipinost ni Dom ang 7-minute video ng engagement nila ni Bea na mas lalong kinakiligan ng kanilang mga fans.

Ang caption ng aktor at negosyante sa kanyang IG post, “Sino bang mag-aakala na yung crush ko lang noon na gustong-gusto kong tinititigan dahil sa sobrang ganda, hindi ko pa nga alam kung paano ako magpapakilala. Eh ngayon, parte na ng araw-araw ko. (smiling face with heart eyes emoji). Indeed, God always has His perfect time for all of us.”

Baka Bet Mo: Vice, Aga, Heart, Anne, Juday, iba pang celebs super happy sa engagement nina Bea at Dominic: ‘Yahoooooo!!!! Mga bata ko yan o!!!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

Una munang ipinasilip ni Dom ang mga kaganapan sa mga past adventures at pagbabakasyon nila bilang lovers sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Kasunod nga nito ang eksena habang ginaganap ang pictorial ni Bea hanggang sa dumating si Dom at lumuhod sa harapan ng Kapuso actress.

Kitang-kita naman ang sobrang pagkabigla ni Bea nang makita si Dom, “Oh my God, are you kidding me?”

Maririnig naman si Dominic sa video na nagsabing, “We’ve been together for almost four years now.

“And we had our fights, our happy times, our crazy times together, our rollercoaster rides of our lives, and nalagpasan natin yung mga yun.

“And alam ko, marami pa tayong pagdadaanan together.

“I want to spend my whole life with you, forever, and I love you very much.

“Will you marry me?” ang apat na magic words na tanong ni Dom na sinagot naman agad ni Bea ng, “yes” habang patuloy na umiiyak. Makikita rin sa video ang pag-iyak ni Dom.

Naganap ang marriage proposal ni Dominic kay Bea last Tuesday, July 18, sa Las Casas Filipinas de Acuzar, sa Quezon City.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea Alonzo may sweet birthday message kay Dominic Roque: I can’t wait to spend the rest of my life with you…

Dominic inaming ‘worth it’ si Bea: I can see our future together

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending