Bea mas na-in love pa kay Dominic matapos ang proposal, magaganap ang kasal sa 2024 | Bandera

Bea mas na-in love pa kay Dominic matapos ang proposal, magaganap ang kasal sa 2024

Ervin Santiago |July 24,2023
facebook
share this

Bea mas na-in love pa kay Dominic matapos ang proposal, magaganap ang kasal sa 2024

Ervin Santiago - July 24, 2023 - 07:50 AM

Bea mas na-in love pa kay Dominic matapos ang proposal, magaganap ang kasal sa 2024

Bea Alonzo at Dominic Roque

DALAWANG buwan palang pinagplanuhan ni Dominic Roque ang kanyang nakakaiyak na marriage proposal para kay Bea Alonzo.

Magkasamang rumampa ang celebrity couple last Saturday, July 22, sa ginanap na GMA Gala Night 2023 sa Marriott Grand Ballroom, Newport Pasay City.

Ito ang kauna-unahang event na dinaluhan nina Bea at Dom bilang engaged couple kaya naman espesyal ito para sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Amazing” ang ginawalang paglalarawan ng Kapuso actress sa kanyang nararamdaman ngayon matapos ang engagement nila ni Dominic na talaga namang viral at trending pa rin sa social media.

“We haven’t really processed yet the feeling. We just know that we’re so in love,” ang pahayag ni Bea.

“I’ve never been this in love with him. Of course, I’ve been in love with him for almost four years now, but this is such a different feeling,” dagdag pang chika ng Kapuso star.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo sa pagkakaroon ng mga anak kay Dominic Roque: ‘Yes, sayang naman ‘yung lahi, ‘di ba?’

Naibahagi naman ni Dominic ang naging feeling niya habang pinaplano ang pagpo-propose sa kanyang future wife. “Super crazy” kung ilarawan niya ang nakalipas na mga linggo bago siya lumuhod sa harapan ni Bea para yayain na itong magpakasal.

“I planned it for two months. Ilang weeks ‘yung talagang sobra sobrang kaba ako before the proposal. Sobrang happy, of course,” dagdag pa ng aktor at negosyante.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa panayam naman kay Bea ng “24 Oras”, ipinasilip niya ang suot na engagement ring na tinawag niyang “perfect”. Ito’y isang classic diamond ring na swak na swaw daw sa kanyang taste.

Sey pa ng aktres, in-expect na raw niya na magpo-propose si Dom sa kanya pero pagkatapos pa ng GMA Gala 2023.

“To be honest medyo ine-expect ko na siya. Actually after the ball, after the GMA Gala talagang pupunta kami ng Singapore so parang may feeling ako na doon siya magpo-propose. So ayun yung pinaghahandaan ko,” aniya.

Siniguro naman ni Bea na magaganap na ang kasal nila ng kanyang fiancé sa darating na 2024.

Dominic Roque super cry din sa engagement nila ni Bea: ‘Sino bang mag-aakala na yung crush ko lang noon ay parte na ng araw-araw ko ngayon?!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea Alonzo sa pagkakaroon ng mga anak kay Dominic Roque: ‘Yes, sayang naman ‘yung lahi, ‘di ba?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending