'It's Showtime' na-excite sa kanilang unang GMA Gala 2023, sey ni Vhong: Iba pala ang experience! | Bandera

‘It’s Showtime’ na-excite sa kanilang unang GMA Gala 2023, sey ni Vhong: Iba pala ang experience!

Therese Arceo |July 23,2023
facebook
share this

‘It’s Showtime’ na-excite sa kanilang unang GMA Gala 2023, sey ni Vhong: Iba pala ang experience!

Therese Arceo - July 23, 2023 - 04:39 AM

MARAMI ang nag-abang sa pagrampa ng mga hosts ng “It’s Showtime” sa nagdaang GMA Gala 2023, nitong Biyernes, July 22.

Naging usap-usapan na kasi ito buhat nang maging parte na ng Kapuso network ang Kapamilya noontime program na kasalukuyan na ring napapanood sa GTV.

Ilan sa mga dumalo ay ang Unkabogable Star na si Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, at Jhong Hilario.

Halo halo naman ang naging emosyon ng mga “It’s Showtime” hosts sa kanilang unang pagdalo sa Kapuso event.

“Syempre sobrang thankful dahil naimbita kami rito and maraming salamat sa napakainit na pagtanggap n’yo sa amin mga Kapuso. Salamat po. Masaya kami na nandito kami ngayon. Thank you. Thank you,” saad ni Jhong.

Baka Bet Mo: Regine Tolentino nag-sorry matapos ‘makitaan’ habang sumasayaw sa It’s Showtime: ‘I was so terrified and humiliated’

“Sobrang kinakabahan kanina. Sinasabi ko nga sa kanila, iba yung experience. Pero ang sarap ng pagtanggap sa amin ng mga Kapuso, e, para kaming kapamilya nila. At ang sarap ding sabihin na, ‘We love you, mga Kapuso,” sey naman ni Anne.

Samantala, sobrang excited naman si Vice na maging parte ng GMA Gala 2023.

“Sobrang nakaka-excite… yung excitement ko nga sobrang taas, yung excitement naging tensyion. Yung tensiyon naging stress, but in a good way…

Nakakatuwa to be able to meet these wonderful people, to be able to see our friends again na hindi na namin nakikita…
“And to be able to mingle with them and party with them tonight,” sey ni Vice.

Maging ang isa pang main host ng “It’s Showtime” na si Anne Curtis ay happy and grateful sa pag-attend ng gala.

“Of course, we are very grateful that we are invited this evening. And for me, personally, I’m excited to meet new faces and faces that I’ve missed as well. I think it’s gonna be a very, very fun evening. I’m excited to see friends that we’ve missed, so it’s gonna be a fun evening,” kwento naman ni Anne.

Samantala, super happy naman si Vice na parte na ng Kapuso network ang “It’s Showtime”.

Super thankful rin ito sa suportang ibinibigay ng GMA sa kanilang programa.

“We are very happy that we have a new home, GTV. The GMA family has been very supportive and we are very grateful for the support that they have been giving the Showtime family and the madlang people.

“Maganda. Mas nakaka-excite mag-perform, mas nakaka-excite mag-deliver kasi mas marami nang nakakakita sa amin ngayon dahil mas marami na kaming tahanan na kinakikitaan,” ani Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
‘It’s Showtime’ apektado sa paglipat nina Tito, Vic & Joey sa TV5, hirit ng netizens: ‘Baka sila naman ang makarma!?’

Felipe Gozon ibinandera ang pagpasok ng ‘It’s Showtime’ sa GTV: War is officially over

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending