Bea Alonzo sa pagkakaroon ng mga anak kay Dominic Roque: 'Yes, sayang naman 'yung lahi, 'di ba?' | Bandera

Bea Alonzo sa pagkakaroon ng mga anak kay Dominic Roque: ‘Yes, sayang naman ‘yung lahi, ‘di ba?’

Ervin Santiago |March 28,2023
facebook
share this

Bea Alonzo sa pagkakaroon ng mga anak kay Dominic Roque: ‘Yes, sayang naman ‘yung lahi, ‘di ba?’

Ervin Santiago - March 28, 2023 - 06:44 AM

Bea Alonzo sa pagkakaroon ng mga anak kay Dominic Roque: 'Yes, sayang naman 'yung lahi, 'di ba?'

Bea Alonzo at Dominic Roque

KUNG ang Kapuso actress at vlogger na si Bea Alonzo lang ang masusunod, talagang gusto niya ang magkaroon ng maraming anak.

Sa latest vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel, nabanggit nga ng dalaga na parang feel niya ang malaking pamilya dahil parang ang saya-saya raw.

Sumabak ang special guest niya sa bago niyang vlog na si Small Laude sa walang kamatayang “Lie Detector Challenge” at sa isang bahagi ng video ay napag-usapan nga ang pagkakaroon ng mga anak.

Sabi ni Bea, noong bata-bata pa siya, mas gusto niya ng maraming bata sa family dahil isa lang daw kasi ang kapatid niya kaya parang mas happy daw kapag may iba pa siyang mga kapatid. Si Small Laude naman ay may apat na anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“Before, when I was younger, I wanted to have many children but malamang hindi na mangyari ‘yun,” natatawang chika ng girlfriend ni Dominic Roque.

“It will happen. Ang guwapo ni boyfriend,” hirit uli sa kanya ni Small Laude.

Baka Bet Mo: Bea, Dominic ibinandera ang pagmamahal sa isa’t isa

Pagsang-ayon naman ni Bea, “Yes, sayang naman ‘yung lahi, ‘di ba?”

Sa pakikipagpalitan ni Bea ng mensahe sa kanyang social media followers, sinagot ng aktres ang tanong na, “You’re not getting any younger po, when will you get married and have kids like (Marian Rivera, Anne Curtis, Jennylyn Mercado, etc.)?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Reply ni Bea, “May taxi? Hindi ako nagmamadali. I’d like to take my time.”

“It’s not a race after all. I believe we all have our own timeline,” sabi pa niya.

At sa tanong kung ano ang mga qualities na nagustuhan niya kay Dominic, “The way he loves me, the way he takes care of me. Sarap pala ng inaalagaan.”

Dalawang taon na ang relasyon nina Bea at Dominic noon lamang January, 2023 at inamin ni Bea na nagkaroon siya ng trust issues bago sila naging magkarelasyon ni Dominic.

“We dated for more than a year, walang label. I was afraid to fall in love again, to commit to somebody na alam ko possible ring saktan ako,” pangungimpisal ng aktres.

“So, yes, may trust issues ako. But then, I’m working on it..Every day, Dom proves me wrong. That love is worth fighting for,” aniya pa.

Bea love na love si Dominic: Sobrang inaalagaan niya ako, pinagsisilbihan, hindi nga ako sanay, e!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Daniel, Dominic nagkaproblema dahil sa isa pang anak ni Karla Estrada?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending