Daniel, Dominic nagkaproblema dahil sa isa pang anak ni Karla Estrada? Bandera

Daniel, Dominic nagkaproblema dahil sa isa pang anak ni Karla Estrada?

Therese Arceo |August 12,2021
share this

Daniel, Dominic nagkaproblema dahil sa isa pang anak ni Karla Estrada?

Therese Arceo August 12, 2021 - 05:21 PM


MATAPOS ang pag-amin ni Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang relasyon, muling naging topic ang pag-unfollow ni Daniel Padilla at Dominic Roque sa isa’t isa.

Sa Ogie Diaz Showbiz Update, muling naungkat ang usapin ukol dito. Ayon kay Mama Loi, kasama ni Ogie Diaz sa show, may isang fan raw na nagbigay ng tip sa tunay na naging rason ng alitan ng dalawa.

Ayon sa comment ng fan, may kaugnayan raw ito sa kapatid ni Daniel Padilla na si Magui Ford. Chika pa raw nito, nagkamabutihan raw diumano noon si Magui at Dominic ngunit na-friendzone ito nang makilala ng aktor si Bea.

Sey ni Ogie Diaz, for verification ang nasabing comment. Hindi naman sa minemenus niya ang kapasidad ng mga fan sa pa ng impormasyon ngunit mahirap ang agad maniwala.

Mahirap talaga dahil hindi naman basta-basta ang naging pagkakaibigan ng dalawa. Halos sabay silang nagsimula sa showbiz at kapatid na rin ang naging turing nila sa isa’t isa.

Marami ring fans and supporters ang umaasa na magkakasamang muli at magkakabati ang dalawa dahil sayang naman ang kanilang samahan. Isa pa, iisa lang ang circle of friends ng dalawa.

Bukas naman ang BANDERA sa pakikipag-panayam sa dalawa upang linawin ang isyung ito.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending