Chito Miranda inabot ng 'dinner' sa pakikipagchikahan kay Moira: Sooobrang daldal! | Bandera

Chito Miranda inabot ng ‘dinner’ sa pakikipagchikahan kay Moira: Sooobrang daldal!

Therese Arceo |October 18,2022
facebook
share this

Chito Miranda inabot ng ‘dinner’ sa pakikipagchikahan kay Moira: Sooobrang daldal!

Therese Arceo - October 18, 2022 - 06:59 PM

Chito Miranda inabot ng 'dinner' sa pakikipagchikahan kay Moira: Sooobrang daldal!
MASAYANG nag-bonding ang mga naging hurado ng “Idol Philippines” season 2 na sina Chito Miranda at Moira dela Torre.

Sa katunayan, ibinahagi ng frontman ng bandang Parokya Ni Edgar ang ilang mga larawan na kuha noong magkasama sila.

Ayon sa post ni Chito ay nagkaroon muna siya ng recording ng kanta kasama ang songwriter na si Jonathan Manalo.

Kwento ng asawa ni Neri, matapos ang kanilang recording noong umaga ay magkasama silang nag-lunch ni Moira.

Ngunit dahil nga sa dami ng kwento nila sa isa’t isa ay hindi na namalayan nina Chito ang oras.

“Sa sooobrang daldal ni Moira, inabot kami ng dinner,” saad ng bokalista ng banda.

Biro pa ni Chito, nasira pa nga raw ang plano niyang pagpa-firing noong hapon dahil sa mga chika ni Moira.

Dagdag pa niya, “Joke lang syempre…pero totoo na magfa-firing talaga dapat ako nung hapon, pero napasarap yung kwentuhan namin na para kaming nag-inuman ng ilang oras na walang alak. kwentuhang music at buhay eh.”

Nag-comment naman si Moira sa post ni Chito at sinabing “labyu kuya (crying and heart emoji)”

Marami naman ang nag-comment sa naturang post ng bokalista at may hirit sa posibleng dahilan bakit inabot na sila ng dinner sa pagkukwentuhan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)

“Nice. Kaya siguro umabot ng dinner kasi mabagal siya magsalita? Charot lab ko si moira,” saad ng isang netizen.

May ilan naman na tila excited sa bagong pagsasama nina Chito at Moira.

“Wow lodi! Ito na ba ang hinihintay naming pinakamalupit na collab with Moira? With ofcourse the master @jonathanmano?” sey naman ng isa.

Matatandaang naging malapit sina Chito at Moira matapos silang magkasama bilang mga hurado sa reality singing competition na “Idol Philippines”.

Related Chika:
Vice Ganda umatras daw sa Idol Philippines dahil kay Sarah; inirekomenda si Chito Miranda

Robi Domingo napiling host ng Idol Philippines; Chito Miranda, Gary Valenciano bagong mga hurado

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Neri may nakakalokang kuwento nang mag-dinner date sila ng asawa: Haaaaaay, Chito! Classic ka talaga!

Neri pinagpaliwanag si Chito kung bakit natanggal sa ‘Idol Philippines’ si Nisha Bedana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending