Bakit nga ba 'nawala' si Chito at ini-report sa pulis ng pamilya at mga kaibigan noong 2010? Bandera

Bakit nga ba ‘nawala’ si Chito at ini-report sa pulis ng pamilya at mga kaibigan noong 2010?

Ervin Santiago |April 06,2021
share this

Bakit nga ba ‘nawala’ si Chito at ini-report sa pulis ng pamilya at mga kaibigan noong 2010?

Ervin Santiago - April 06, 2021 - 09:13 AM

NAPA-THROWBACK nang bonggang-bongga ang bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda noong araw na kumalat ang balitang nawawala siya.

Taong 2010, may lumabas sa isang tabloid na naalarma raw ang mga kaibigan niyang sina Angel Locsin, Bubbles Paraiso, Bianca King, Paolo Paraiso, Ehra Madrigal, Saab at Maxene Magalona dahil MIA o missing in action siya nu’ng panahong ‘yun.

Sabi sa ulat, nagpatulong pa raw ang grupo nina Angel sa mga Twitter user para mahanap kung nasaan ang kanilang kaibigan.

Bumalik sa araw na ‘yun si Chito at binigyang-linaw ang issue. Sa kanyang Instagram account, ipinost ng singer-composer ang naiulat na balita sa tabloid kasama ang mahaba niyang paliwanag.

Aniya, tumakas daw talaga siya para makasama ang asawa na niya ngayong aktres na si Neri Naig.

“Throwback nu’ng nawala ako sandali. Eto yung time na tumakas kami ni Neri sa Tagaytay,” simulang pahayag ng OPM icon.

“Eto yung buong kwento. Magkakasama kami nila Bubbs and Paolo sa bahay nila sa QC, kasama si Neil. Tapos nag-decide ako umalis at sunduin si Neri para mag-breakfast at salubungin ang sunrise sa Tagaytay.

“Umalis ako ng walang paalam kasi busy sila Pao and Neil mag-NBA Live. Si Bubbs naman tulog na yata,” aniya.

Pinuntahan niya si Neri para makasama sa pagbe-breakfast sa Tagaytay, “Sinundo ko si Neri, at umakyat kami sa Tagaytay para mag-breakfast. Du’n ko lang napansin na coding pala ako. #StyleBulok. So ang ginawa namin, tumambay na lang kami buong araw sa Tagaytay para magpalipas ng coding.”

Patuloy pa niyang pag-alala, “Parehong nawalan ng batirya yung mga cellphones namin, at pareho din kaming walang charger…pero pareho din kaming walang paki kasi magkasama naman kami haha!

“Pag-uwi ko sa bahay before midnight, galit akong sinalubong ng kuya ko sa gate. Sumigaw sya para ipaalam sa family ko na nandu’n na ko. Sabi nya ‘Nandito sa si Chito!!!…si Chito Miranda.””

“Nag-message din ako agad kay Neil: sabi ko, ‘Saan gimik?’… at dun ko lang nalaman na hinahanap na pala ako ng pamilya’t mga kaibigan ko. Naka-report na pala ako sa pulis!”

At pati raw si Kaye Abad ay nag-panic din sa pagkawala niya. Paglilinaw ni Chito wala na sila ni Kaye noong panahong yun.

“Hinanap din ako ni Pao kay Kaye, na sya namang nag-aalalang tumawag sa pamilya ko, na sya rin namang nag-panic! (nililinaw ko lang ulit ha – para sa mga di nagbasa ng article: Hindi na po kami ni Kaye nyan! Sobrang magtropa lang talaga kami kahit nung hindi na kami at close talaga sya sa family ko hanggang ngayon).”

Hirit pa niya sa huling bahagi ng kanyang IG post, “Anyway, nakakatawa lang. Mas lalo na yung fact na tungkol sa akin yung article pero pic ni Gel yung ginamit!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending