Daniel Padilla na-‘boo’, tinawag pang ‘cheater’ sa AAA 2023

Daniel Padilla nakatanggap ng ‘boo’, tinawag pang ‘cheater’ sa AAA 2023

Pauline del Rosario |December 16,2023
facebook
share this

Daniel Padilla nakatanggap ng ‘boo’, tinawag pang ‘cheater’ sa AAA 2023

Pauline del Rosario - December 16, 2023 - 10:07 AM

Daniel Padilla nakatanggap ng ‘boo’, tinawag pang ‘cheater’ sa AAA 2023

PHOTO: Instagram/@supermo_dp

NAGING hot topic nanaman sa social media ang aktor na si Daniel Padilla matapos mag-viral ang isang video sa naganap na Asia Artist Awards (AAA) 2023.

Burado na ang video mula sa netizen, pero may ilang media outlets ang nakahagip nito sa mismong event.

Ito ‘yung tinanggap ng ex-lovers na sina Daniel at Kathryn Bernardo ang “AAA Fabulous Award” at magsasalita sa entablado para sa kanilang acceptance speech.

Naunang tumanggap ng parangal si Daniel kaya siya rin ang unang nagsalita.

Pero base sa mga narinig namin sa video, may ilan sa mga audience ang nagsisigaw ng “boo” at “cheater” habang si Daniel ang nasa stage upang magbigay ng kanyang talumpati.

Hindi namin sure kung narinig nga ba ito ng aktor dahil maikli lang ang kanyang naging speech.

“Magandang gabi po sa inyong lahat. Annyeong! Ayun, siyempre, maraming-maraming salamat. Thank you sa AAA. Everyone, maraming salamat sa inyo. Enjoy the night and good night,” sey niya matapos makuha ang tropeyo.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros laughtrip sa AAA 2023: ‘I feel like I am the first honor!’

Maliban pa diyan, nag-viral din ang litrato ni DJ sa nasabing awarding event kung saan makikitang sinulatan ito ng katagang, “Kathryn deserves better!”

At dahil nga sa mga pangyayaring ‘yan ay maraming fans ang ang galit na galit at ayon sa kanila ay pambabastos ang ginawa nila-hindi lang kay DJ, kundi pati na rin sa mga foreign awardees na nandoon.

Narito ang ilan sa mga nakita naming tweets:

Samantala, malalakas na sigawan at palakpakan naman ang nakuha ni Kathryn nang siya na ang lumapit sa mikropono matapos makuha ang award.

Noong November 30 nang kumpirmahin ng dating mag-dyowa na naghiwalay na sila matapos ang 11 years nilang magkarelasyon.

Bukod sa AAA 2023, nagkaroon na ng public appearance together ang dalawa kung saan sabay silang nag-perform sa Christmas Special ng ABS-CBN na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Makikita naman na maayos ang relasyon nila kahit nag-break na sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending