Ama ni Liza Soberano gigil na gigil kay Ogie Diaz at Cristy Fermin

Ama ni Liza Soberano gigil na gigil kay Ogie Diaz at Cristy Fermin, bakit kaya?

Reggee Bonoan |December 08,2023
facebook
share this

Ama ni Liza Soberano gigil na gigil kay Ogie Diaz at Cristy Fermin, bakit kaya?

Reggee Bonoan - December 08, 2023 - 01:10 PM

Ama ni Liza Soberano gigil na gigil kay Ogie Diaz at Cristy Fermin, bakit kaya?

Ogie Diaz, Liza Soberano, Cristy Fermin

GUSTO naming isiping kaya nag-iingay si Ginoong John Soberano, ama ng aktres na si Liza Soberano sa kanyang Facebook account ay para mapag-usapan ang anak niyang wala nang kaingay-ingay o masasabing hindi na relevance nitong mga huling araw.

Ang dating manager ng aktres na si Ogie Diaz at ang host ng “Cristy Ferminute” at “Showbiz Now Na” si Cristy Fermin ay minura ni ginoong John by posting sa kanyang Facebook account na John C. Sober.

Kaya gulat na gulat sina Ogie at co-host nitong si Mama loi ng “Showbiz Update” nitong Miyerkules (December 6) nang gabi.

Sey ng ex-manager ni Liza, “Nag-post siya sa kanyang facebook ito ang sinabi niya, ‘Cristy Fermin p.i mo at n’yong lahat ng nakikialam sa buhay ng may buhay lalo na ikaw OG..mabait pa anak ko ganyan magsalita, bukas may live ako gagawin or sasabihin about you. You all woke up the BEAST (emojis angry faces).

“Tapos after 7 minutes nag-post ulit siya, ‘OG D, bumalik ka na lang sa pagtinda ng turon para ‘yang bunganga mo hindi putak ng putak about other people’s business. Ang isigaw m ona lang ay TURON LUMPIA, di ba jan ka rin nag-umpisa?”

Baka Bet Mo: Vice Ganda inaming si Gigil Kid ang ‘discoverer’ ni Ion Perez: ‘Yung happy part ng life ko na ‘yun, malaking part ka

Banana cue at turon ang itininda ni Ogie at hindi lumpia, ginoong Soberano.

Sabi nga ni mama Loi, “ay mali daddy! Ha, ha, ha.”

Tinanong ni Ogie ang ama ng aktres kung pinakialaman nito ang buhay niya.

“Ang pinag-uusapan na ngayon at pinag-uusapan ng buong mundo ay ‘yung pagtatapos ng relasyon ng KathNiel. Asan ka doon? Asan ang anak mo do’n?” diing tanong ni Ogie kay ginoong John.

Hindi naman natuloy ang pagla-live ng ama ni Liza dahil ilang minuto lang ang nakalipas ay binura na nito ang kanyang mga post.

“Ako walang dapat ikatakot sa pagla-live mo, hihintayin ko ang live mo daddy John at hintayin mo rin ang aking sagot sa magiging live mo. Doon lang ako dedepende (sa sasabihin mo) at hindi na ako magkukuwento ng nakaraan noong nagsisimula palang si Liza. Kaya sa mga sasabihin mo ako dedepende para (sumagot),” katwiran ni Ogie.

Walang pinanggagalingan ang ama ni Liza sa post niya kaya takang-taka ang “Showbiz Update” hosts at inisip na lang ni Ogie na baka lasing ang ama ng dalaga.

“Baka lasing tapos nu’ng nahimasmasan (at) bumaba ang tama ay doon niya na-realize na mali pala ‘yun kaya dinilete niya,” saad pa ni Ogie.

Nagtatakang sabi ni mama Loi, “saka bakit siya gigil na gigil, e, KathNiel ang topic?”

Nabanggit pa ni Ogie, “noong Liza Soberano (issues) hindi ka gigil na gigil? Itong KathNiel hindi ka gigil na gigil? Anong nais mong patunayan, daddy?

“Yung pagmumura gusto ko na lang isiping expression mo na lang ‘yan. Saka ‘yung sinabing magtinda na lang ako ng Turon at Banana cue at kung bumalik ako, sana wala sa kinaroroonan niya na ‘yun si Liza. Naisip mo ba ‘yun? Daddy ang dali mo namang makalimot. Maglilista ba ako kung ano ‘yung mga nagawa nating kabayanihan sa isa’t isa, gusto mo ba ganu’n? E, di isama mo ‘yan sa live mo. Pag nag-post ka, panindigan mo!” hamon ni Ogie sa ama ni Liza.

At nang burahin na ni ginoong John Sober ang kanyang post ay nag-post siya ng, ‘Mag Thank you ka na lang dahil may content ka na naman, haissht Lahat ng lines mo taga MARITES. In to character lang ang peg?”

Sa madaling salita walang pinanggagalinan ang posts ni ginoong Soberano kaya naisip naming gumawa siya ng ingay para mabaling ulit sa kaniyang anak ang chikahan ng lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, inisa-isa naming basahin ang mga komento ng netizens at iisa ang tukoy nila na ungrateful si Liza at nagmana raw sa kanyang ama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending