Vice Ganda inaming si Gigil Kid ang 'discoverer' ni Ion Perez: 'Yung happy part ng life ko na 'yun, malaking part ka | Bandera

Vice Ganda inaming si Gigil Kid ang ‘discoverer’ ni Ion Perez: ‘Yung happy part ng life ko na ‘yun, malaking part ka

Therese Arceo |February 18,2023
facebook
share this

Vice Ganda inaming si Gigil Kid ang ‘discoverer’ ni Ion Perez: ‘Yung happy part ng life ko na ‘yun, malaking part ka

Therese Arceo - February 18, 2023 - 09:29 PM

SINURPRESA ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang anak-anakan sa showbiz na si Carlo Mendoza o mas nakilala bilang si Gigil Kid.

Halatang-halata ang pagka-miss ni Gigil Kid sa “It’s Showtime” host dahil sa higpit ng yakap nito nang makita ang kanyang Meme.

Matatandaang unang nagkasama ang dalawa nang imbitahan ng komedyante si Gigil Kid sa “Gandang Gabi Vice” na during that time ay anim na taon lang. Ngayon ay 11 years old na ito.

“I miss you! Ikaw pala ‘yun,” hindi makapaniwalang saad ni Carlo kay Vice.

Nagkumustahan ang dalawa na ilang taon na ring hindi nagkita.

Chika ni Carlo kay Vice, busy ito sa pag-aaral at gumagawa rin ito ng mga vlogs na may pambatang content.

Pinuri naman ng komedyante ang pagiging sweet at maregalo ni Carlo at ng kanyang ama sa kanya simula pa noon.

“Maregalo ka. Kahit dati maregalo siya, silang dalawa ng padir niya. Tuwing magkikita kami lagi siyang may nireregalo sa akin,” pagbabahagi ni Vice.

Nag-reminisce naman ang dalawa noong una silang magkakilala at magkasama sa “GGV”.

“Parang ang layo na po ng narating ko simula noong tinulungan n’yo po ako. Hanggang ngayon po [mahal ko kayo], wala pong nagbago. Hanggang dulo po, kahit magpakailanman. Kahit umabot po tayo ng bituin po,” sinserong sabi ni Carlo kay Vice.

Super proud naman siya sa naging improvement ni Carlo habang lumalaki.

“Ang biggest achievement mo actually ‘yung maraming taong nagmahal sa ‘yo tapos voluntarily, gusto ka nilang i-guide to make you a better kid, a better person,” sey ni Vice.

At kahit na matagal na silang hindi nagkikita ay anak pa rin ang turing nito kay Carlo.

“Anak ko kayo. Kini-claim ko kayo na ‘Anak ko yan!’ Kapg may nagtatanong, ‘Si Carlo anak ko yan! Si Yorme anak ko yan!’ Masaya ako na magkasama tsyo ulit. Nagkita tayo. And I’m very happy na noong mga panahong hindi tayo nagkikita, ok ‘yung mga nangyayari sa yo. Healthy ka, mas matino ka. Tumatalino ka,” nakangiting message ni Vice sa anak-anakan.

Naikuwento pa nga niya na malaking parte si Carlo sa buhay nila ng kanyang asawang si Ion Perez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

“Siya talaga ang discoverer ni Ion. Ikaw ang nakakita kay Ion. ‘Yung happy part ng life ko na ‘yun, malaking part ka noon. Kaya magkakonektadong konektado tayo kahit anong mangyari, kahit saan tayo magpunta, connected tayo sa isa’t isa,” sey pa niya.

Matapos nga nilang kumain at magkwentuhan ay nagpasya si Meme na ipag-shopping ng mga outfits si Carlo.

“Magpakabait ka lagi. Mag-iingat ka lagi,” sabi ni Vice habang nakayakap na nagpapaalam kay Gigil Kid matapos silang msg-shopping.

Related Chika:
Vice patuloy na pinag-aaral si Gigil Kid; tatay na magbabalut nagtitinda sa PBB

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda balik-MMFF ngayong 2022; Sarah type gumawa ng musical movie

Hirit ni Vice Ganda sa pagkatalo ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022: ‘Bawi tayo sa replay mamayang gabi! Hayuffff!’

Vice Ganda nagpaayos ng ngipin sa halagang P500k: Kapag nabuo ito, P1-M worth of smile talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending