Ogie Diaz binoldyak si Jimmy Bondoc: Naresibuhan, pano ngayon?

Ogie Diaz binoldyak si Jimmy Bondoc: Naresibuhan, paano yan ngayon?

Ervin Santiago - February 11, 2025 - 02:37 PM

Ogie Diaz binoldyak si Jimmy Bondoc: Naresibuhan, paano yan ngayon?

MAY kanegahan ngayon sa madlang pipol ang singer at senatorial aspirant na si Jimmy Bondoc matapos purihin ang ABS-CBN sa isang panayam.

Hindi nagustuhan ng mga loyal supporters ng Kapamilya Network ang mga pinagsasabi ni Jimmy sa muli niyang pagtapak sa bakuran ng ABS-CBN kamakailan.

Sumabak ang OPM artist at abogado sa “Harapan 2025” ng ABS-CBN, ang programa ng network kung saan mas kinikilala at kinikilatis pa ang mga tumatakbong senador sa May, 2025 elections.

Baka Bet Mo: Zanjoe, Angelu, Jimmy Bondoc, DJ Durano join na rin sa politika

Nagmarka si Jimmy Bondoc sa publiko noong kasagsagan ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ilang beses niyang binanatan ang ABS-CBN noong 2020 tungkol sa franchise renewal.

Isa siya sa mga celebrities na sumuporta para hindi na pinahintulutan ng House Committee on Legislative Franchises ang franchise renewal ng Kapamilya Network.

Post niya noon sa Facebook, “This company is a snake pit, where success is based on politics and sexual favors.

“Ayaw natin may mawalan ng trabaho. Hindi yan mangyayari kung susunod ang mga network sa BASIC RULES and LAWS. They can show GOOD FAITH by: paying debts, complying with labor laws, changing their harmful internal culture, DEPOLITICIZING THE NEWS, and more,” matapang na pahayag ng singer.

Pero sa pagbabalik nga ni Jimmy sa ABS-CBN, tila nag-iba na ang kanyang tono. Aniya, muling nagbalik sa kanyang alaala yung panahong nagge-guest pa siya “ASAP” bilang bahagi ng grupong “Sessionistas.”

“Alam n’yo, nu’ng pumasok ako kanina dyan sa ABS, naalala ko, nung nag-AASAP ako, nung ganoon, I have fond memories. And I really believe that ABS-CBN entertainment is still the best. It’s the best in the world. Ang galing.

“Kailangan po yun ang pangalagaan, pati nu’ng management or corporate and the legal side of ABS-CBN. And I think, ang pinakamaganda talaga diyan ay harapin po nu’ng network na ginagawa naman nila. Harapin sa tamang forum.

“Ang problema kasi sa atin, sa politika in general, may isyung iaakyat, pero hindi nareresolba. So kung ma-resolve sana yun, makita na kung saan inosente ang ABS, sa mga pinaratang sa kanila, kung saan sila baka sakali lang guilty. Para matapos na, and then we can move on to the franchise issue.

“Pero ang gusto ko lang malaman ng mga tao na nu’ng nagsalita akong ganu’n, that comes from a place of truth, hindi hatred. And right now, I’m glad to hear na ang dami ng naka-rebound na mga workers from ABS-CBN,” depensa ni Jimmy.

Isa sa mga nag-react tungkol dito ay ang content creator na si Ogie Diaz na tinukoy nga ang pagkalkal ng mga netizen sa mga lumang Facebook post ng abogadong singer na tumatakbo ngang senador.

Hirit ni Mama Ogs sa kanyang FB status, “Naresibuhan si Jimmy Bondoc, paano yan ngayon?”

“Ang liit lang ng mundo. Magkikita at magkikita pa din. Kaso, buhay ang ebidensiya. Di na nakaupo si Digong, di ka na niya mababak apan sa narrative mo, Jimmy.

“Nakakalimutan ng mga tao na ang sinusuportahan nilang nakaupong pulitiko ay hindi naman forever sa pwesto. Pero ang post ay forever nandiyan yan at nakatatak sa puso at isip ng mga tao,” ang punto ni Ogie.

Bukod dito, nakalkal din ng netizens ang video clip kung saan iniinterbyu ni Vice Ganda ang isang contestant sa “Tawag ng Tanghalan.”

“Si Nyoy (Volante) nag-aacoustic, ang naalala namin sa kaniya, siya ‘yong puma-falsetto, ‘yong lalaking ang ganda-ganda ng falsetto.

“Si Nina nag-acoustic din dati, ang naaalala namin sa kaniya, siya ‘yong sumisipol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Si Jimmy Bondoc ang naaalala namin siya, ‘yung gusto niyang ipasara ‘yung ABS, ‘yun ‘yung naaalala namin sa kanya. ‘Yun na tuloy ‘yong naaalala sa kanya,” hirit pa ni Vice Ganda.

Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang reaksiyon si Jimmy Bondoc. Bukas ang BANDERA sa magiging pahahag ng singer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending