Hirit ni Vice Ganda sa pagkatalo ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022: 'Bawi tayo sa replay mamayang gabi! Hayuffff!' | Bandera

Hirit ni Vice Ganda sa pagkatalo ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022: ‘Bawi tayo sa replay mamayang gabi! Hayuffff!’

Ervin Santiago - January 15, 2023 - 01:14 PM

Hirit ni Vice Ganda sa pagkatalo ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022: 'Bawi tayo sa replay mamayang gabi! Hayuffff!'

Celeste Cortesi at Vice Ganda

SUNUD-SUNOD ang tweet ng TV host-comedian na si Vice Ganda habang nanonood ng Miss Universe 2022 grand coronation na ginaganap sa New Orleans Morial Convention Center, New Orleans, Louisiana, USA.

Dismayado rin ang komedyante matapos mabigo si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na makapasok sa Top 16 at matapos agad ang laban sa rampahan.

Sa simulang bahagi ng pageant, partikular na sa pagpapakilala ng bawat kandidata ay talagang maririnig mo ang palakpakan at hiyawan ng audience sa venue.

Ito ang isa sa dahilan kung bakit  hanggang ngayon ay trending pa rin ang pangalan ni Cortesi sa Twitter at iba pang social media platforms.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Komento nga ni Vice, “Super applauded si Celeste mukhang nangako ng painom sa audience! Kavogue!”

“Grabe ang New Orleans maka-cheer para sa Miss Universe Philippines,Celeste Cortesi! Dumadagundong!” ang pagsang-ayon naman ng isang netizen.

Chika pa ng isang pageant fan, “The Philippines has the best audience as always,” another user pointed out.

Habang tinatawag naman ang Top 16 ay talagang abangers at tutok na tutok pa rin si Vice. Sunod niyang tweet, “Nakakatense! Nakakatae ha! Bandang huli pa tatawagin si Celeste.”

“Ganyan yang Miss U na yan. Gusto lagi umiikot ang tumbong ng mga Pinoy fans,” hirit pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miss Universe Philippines (@themissuniverseph)


Nag-react din siya ng, “Hayup tong subtitle nauuna pa sa announcement!!! Waaaahhhh!!!!”

“Hoooooyyyyy 6 na lng!!!! I-Pilipins mo na yan tah ka!!!!” hirit pa ni Vice habang hinihintay ang pagtawag sa pangalan ni Celeste sa Top 16.

At nang maligwak nga ang bet ng Pilipinas, tweet ng komedyante, “Bawi tayo sa replay mamayang gabi! Hayuffff!”

Ang itinanghal na Miss Universe 2022 ay si R’Bonney Gabriel ng USA pero meron din siyang lahing Filipino kaya kahit plano ay winner na ring maituturing ang Pilipinas.

Venezuela, USA, Puerto Rico, Curacao, Dominican Republic pasok sa Top 5 ng Miss Universe 2022

Vice: Mga taong sa panahon ngayon paninirang-puri at fake news pa rin ang trabaho! YUUUCCCKKK!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Celeste Cortesi bigong makapasok sa Top 16 ng Miss Universe 2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending