Venezuela, USA, Puerto Rico, Curacao, Dominican Republic pasok sa Top 5 ng Miss Universe 2022 | Bandera

Venezuela, USA, Puerto Rico, Curacao, Dominican Republic pasok sa Top 5 ng Miss Universe 2022

Ervin Santiago - January 15, 2023 - 11:11 AM

Venezuela, USA, Puerto Rico, Curacao, Dominican Republic pasok sa Top 5 ng Miss Universe 2022

Miss Universe 2022 Top 5 finalist

NABIGONG makuha ni Celeste Cortesi ang pinakaaasam-asam na titulo at korona sa kasalukuyang ginaganap ngayong Miss Universe 2022 sa New Orleans Morial Convention Center, New Orleans, Louisiana, USA.

Hindi na umabot ang representative ng Pilipinas sa Top 16 ng ika-71 edisyon ng Miss Universe kaya naman lukang-luka at bad trip ang mga Pinoy pageant fans.

Ang mga kandidatang napili sa Top 5 ay magpapatuloy sa laban para masungkit ang inaasam na titulo at korona sa pinakainaabangang international pageant sa buong universe.

Ang mga finalist na nakaabot sa Top 5 ay sina

1. Miss Venezuela, Amanda Dudamel

2. Miss USA, R’Bonney Gabriel

3. Miss Puerto Rico, Ashley Cariño

4. Miss Curacao, Gabriela Dos Santos

5. Miss Dominican Republic, Andreina Founier

This time, sasabak na sila sa isa sa pinaka-exciting part ng laban, ang question and answer portion kung saan isa-isa silang tatanungin ng mabubunot nilang judge.

Sa susunod na round ng pageant malalaman na ang Top 3 candidates na maglalaban-laban para makuha ang kanilang pinakaaasam na titulo at korona.

Bago pa man ang grand coronation ay palagi nang kasama si Celeste sa Top 5 at Top 16 “final pick” ng mga pageant websites at vlogs kaya naman naniniwala ang mga Pinoy fans na malakas ang laban ng dalaga na makuha ang pinaglalabanang korona.

Sa listahan ng Missosology, nasa Top 1 ang pambato ng Venezuela na si Amanda Dudamel, habang nasa number 2 si Celeste Cortesi. Sa Pageantology naman ay nasa  Top 9 ang dalaga. Ngunit nabigo nga ang dalaga sa kanyang laban.

Ang mapipiling Top 3 candidates ay sasabak sa Final Statement Round na siyang magiging sukatan ng mga hurado sa pagpili ng Miss Universe 2022 na siyang puputungan ng korona ni reigning Miss Universe Harnaaz Sandhu, ang ikatlong reyna mula India.

Sa ikalawang pagkakataon, si 2012 Miss Universe Olivia Culpo muli ang host ng grand coronation ng pageant kasama ang Daytime Emmy winner na si Jeannie Mai-Jenkins. Backstage commentators naman sina 2018 Miss Universe Catriona Gray at ang Emmy Award-winning host na si Zuri Hall.

Tumatayong hurado naman sina Olivia Quido-Co, CEO at Founder ng “O Skin Med Spa” chain sa California, USA, American rapper Big Freedia, American radio at TV host Myrka Dellanos, Miss Universe 2010 Ximena Navarrete, Roku Vice President of Growth Marketing at Merchandising Sweta Panel, Miss Universe 1998 Wendy Fitzwilliam, sports journalist na si Emily Austin, Miss USA 2015 Olivia Jordan, at ImpactWayv Chief Marketing Officer Kathleen Ventrella.

Ipinakita na rin kamakailan ang bagong koronang ipuputong sa tatanghaling reyna ngayong taon na ginawa ng Mouawad na nagkakahalagang $6 milyon, at ang bagong “sustainable” sash na mula sa “post consumer” na materyal.

Celeste Cortesi bigong makapasok sa Top 16 ng Miss Universe 2022

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

84 kandidata magtatagisan sa Miss Universe preliminary competition

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending