Michelle, Celeste, MJ kay Chelsea Manalo: ‘You made us all proud!’
VERY proud ang ilang Pinay beauty queens sa ibinanderang laban ng ating pambato sa Miss Universe 2024 pageant na si Chelsea Manalo.
Hindi man niya nakuha ang korona, siya naman ang itinanghal na kauna-unahang Miss Universe Asia.
Ilan lamang sa mga nagpahayag ng kanilang pagkatuwa kay Chelsea ay ang mga reyna ng Miss Universe Philippines, kabilang na sina Michelle Dee (2023), Celeste Cortesi (2022), at MJ Lastimosa (2014).
Sa Instagram, pinuri ni Michelle ang “hardwork” ng Bulakenya beauty queen sa kanayng Miss Universe journey.
“May agimat ang dugo natin!” bungad ni Michelle sa caption, kalakip ang picture nila ni Chelsea na kung saan ay ipinasa niya ang korona ng Miss Universe Philippines last year.
Baka Bet Mo: Video ni Chelsea Manalo bilang empleyado sa hotel viral na, bakit kaya?
Mensahe niya, “Mahigpit na yakap Filipinas!! Ipinagmamalaki ka namin @manalochelsea. You made us all proud.”
View this post on Instagram
Ibinandera naman ni Celeste ang kanyang “congratulatory” message sa X (dating Twitter) account.
“You made us all proud, Chelsea. Congratulations, and thank you for representing the diverse beauty of the Philippines!” lahad niya sa post.
You made us all proud, Chelsea. Congratulations and thank you for representing the diverse beauty of the Philippines! 🩵🇵🇭
— Celeste Cortesi (@SCCortesi) November 17, 2024
Agad ding nag-post si MJ sa kanyang X page matapos kapusing makapasok sa Top 12 semifinalist ang ating pambato.
“Our beautiful Chelsea!!! Proud of you queen,” wika niya, habang ibinabandera ang pictures ni Chelsea na suot ang Tiffany gown.
Our beautiful Chelsea!!! Proud of you queen 🫶🏽🫶🏽🫶🏽 pic.twitter.com/YfpFXxlB7i
— MJ Lastimosa (@MJ_Lastimosa) November 17, 2024
Lubos naman ang pasasalamat ng Miss Universe Philippines Organization sa Filipino-Black American beauty queen.
Sey sa IG post, “With or without a crown, you are the epitome of Filipina strength and beauty, Chelsea!”
“Thank you for giving the country a good fight! We’re proud of you!” anila.
View this post on Instagram
Magugunitang napabilang si Chelsea sa Top 30 qualifiers ng Miss Universe 2024 competition.
Ang itinanghal na reyna for this year ay ang pambato ng Denmark na si Victoria Kjær Theilvig.
Ang first runner-up ay si Chidimma Adetshina ng Nigeria, second runner-up si Maria Fernanda Beltran of Mexico, ang third runner-up ay ang pambato ng Thailand na si Opal Suchata Chuangsri, at ang fourth runner-up ay ang Miss Venezuela na si Ileana Marquez Pedroza.
Nangyari ang coronation event sa Mexico City, Mexico noong Linggo, November 17 (Manila time).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.