Video ni Chelsea Manalo bilang empleyado sa hotel viral na, bakit kaya?
MAS marami pa ang bumilib kay Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo matapos mag-viral ang lumang video niya mula sa isang YouTube channel.
Muling nakakuha ng positive comments ang Bulakenyang beauty queen mula sa netizens nang mapanood nila ang vlog ng mag-asawang YouTuber na sina Rocio Ocampo at Nelvine Ocampo.
Mapapanood ang nasabing vlog sa YouTube channel na “MomDuty” na kuha
noong nagtatrabaho pa si Chelsea bilang staff sa Clark Marriott Hotel sa Angeles City.
Baka Bet Mo: Chelsea Manalo deserving nga bang maging Miss Universe PH 2024?
Ayon sa couple vlogger, bago pa man koronahang Miss Universe Philippines 2024 si Chelsea ay talagang kapuri-puri na ang ugali at pagiging marespeto ng dalaga.
Base sa napanood naming vlog, ginawan ng dokumentaryo nina Rocio at Nelvine ang pagganap ni Chelsea sa kanyang trabaho sa nabanggit na hotel.
View this post on Instagram
Nagmula ang mag-asawang vlogger sa Woodland Hills, California at naninirahan ngayon sa Pilipinas kasama ang dalawa nilang anak.
Sa kanyang Instagram post, nag-upload si Rocio ng short video clip ni Chelsea kung saan inalala niya ang naging experience ng kanyang pamilya nang makilala nila ang dalaga sa Clark Marriott Hotel.
Aniya sa caption, “So happy our family got to meet @manalochelsea… She is beautiful inside and out!
“Watching her achieve this incredible honor feels even more meaningful knowing the wonderful person she is.
Baka Bet Mo: Chelsea Manalo deserving nga bang maging Miss Universe PH 2024?
“Congratulations on becoming Miss Universe Philippines–you deserve it, Queen… See you in Mexico,” ang mensahe pa ng vlogger.
Pinusuan naman ito ng napakaraming netizens kalakip ang kanilang mga papuri kay Chelsea.
Karamihan sa mga nag-react ay nagsabing noon pa ay pinaiiral na ng beauty queen ang kanyang “professionalism” at “impressive customer service.”
Samantala, muling pinasalamatan ni Chelsea ang lahat ng tumulong at sumuporta sa kanyang pageant journey kasabay ng pangakong gagawin niya ang lahat para maiuwi ang ikalimang korona ng Pilipinas sa Miss Universe.
Aniya sa kanyang Instagram post, “To those who supported me, it was beautiful to know you were all cheering Bulacan even if I didn’t know all of you.
“Your voices echoed in my head, reminding myself that I should believe in myself because there were people believing in me.
“Sa ‘yo mahal kong Pilpinas, gagawin ko ang lahat para iuwi ang pang-limang korona. Hindi kita bibiguin. Ilalaban natin ito. Maraming Salamat po!” mensahe pa ni Chelsea Manalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.