Vice patuloy na pinag-aaral si Gigil Kid; tatay na magbabalut nagtitinda sa PBB | Bandera

Vice patuloy na pinag-aaral si Gigil Kid; tatay na magbabalut nagtitinda sa PBB

Ervin Santiago |May 17,2019
facebook
share this

Vice patuloy na pinag-aaral si Gigil Kid; tatay na magbabalut nagtitinda sa PBB

Ervin Santiago - May 17, 2019 - 12:35 AM

VICE GANDA AT CARLO MENDOZA

TUNAY na nanay na ang turing ng Kapamilya child star na si Carlo Mendoza sa nag-iisang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Nagpasalamat ang bagets sa TV host-comedian sa isang episode ng Magandang Buhay dahil sa patuloy na pagtulong nito sa kanya at sa kanilang pamilya. Aniya, ang kanyang “Mama Vice” pa rin ang nagpapaaral sa kanya hanggang ngayon.

“Kasi nanay ko na po siya. Kasi mabait po siya, mabait po. Kahit ano po ang hilingin ko, ibinibigay niya po. Mama Vice, masaya ako sa iyo, wala na akong hihilingin,” pahayag ni Carlo.

Dagdag pa ng bibo at madaldal na bagets, “Si Mama Vice rin ang nagpapaaral sa akin po.” Promise raw sa kanya ng It’s Showtime host sasagutin na nito ang pag-aaral niya hanggang Grade 6. Grade 1 pa lang ngayon si Carlo.

Nakilala bilang “Gigil Kid,” nagsimulang makilala si Carlo noong five years old pa lang siya matapos mag-viral ang video niya na nagtatanggol sa kanyang kapatid.

At dahil nga rito, maraming opportunities sa showbiz ang nagbukas para kay Carlo. Bukod sa mga TV shows, nakasama rin si Carlo sa pelikula ni Vice Ganda. Naging judge rin siya sa talent show na The Kids’ Choice last year.

Samantala, naikuwento rin ng Magandang Buhay at PBB Otso host na si Melai Cantiveros ang tungkol sa kasipagan ng tatay ni Carlo na kahit kumikita na ang anak sa pag-aartista ay patuloy pa ring nagtatrabaho para sa kanilang pamilya.

“Alam mo nakaka-touch ito. Alam mo ba nagla-live kami ng PBB eviction night, akala ko sino ang nagdye-jester sa labas, si Carlo pala dahil ang papa niya ay nandoon sa labas, nagbebenta ng balot sa mga audience.

“Proud ako sa kanila at saka sinasamahan niya ang daddy niya. Dahil masipag talaga sila kasi kung wala silang trabaho sa showbiz ay ginagawa pa rin nila ang dati nilang trabaho,” proud n proud na kuwento ni Melai.

Bago pa pumasok sa pag-aartista si Carlo, sumasama ang bata sa kanyang ama sa pagtitinda ng balut.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness naman kay Vice, talagang marami siyang natutulungang tao, hindi lang si Carlo. Kaya naman hanggang ngayon ay bine-bless pa rin siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending