Jillian Ward wish makatrabaho sina Vice, Coco at John Lloyd

Jillian wish makatrabaho sina Vice, Coco at John Lloyd; umapela sa publiko

Ervin Santiago - February 12, 2025 - 07:00 AM

Jillian wish makatrabaho sina Vice, Coco at John Lloyd; umapela sa publiko

Jillian Ward, John Lloyd Cruz, Vice Ganda at Coco Martin

MULA nang makilala si Jillian Ward noong 2010 bilang child star, napakarami nang nagbago sa kanyang career at personal life.

Bumida ang Kapuso actress noong 5 years old pa lamang siya sa TV remake ng pelikulang “Trudis Liit” na ginampanan ni Vilma Santos ilang dekada na ngayon ang nakararaan.

Ayon sa lead star ng Kapuso series na “My Ilonggo Girl”, nagsimula na siyang mamuhay ngayon bilang independent woman.

“So far, I’m learning a lot. Talagang ang daming nagta-transform sa buhay ko. I feel like I’m maturing. This year actually, ini-start ko na yung pagiging independent.

Baka Bet Mo: Jillian Ward ayaw pang magpaligaw at magkadyowa; pangarap maka-collab sa susunod na project si Vice Ganda

“I’m staying sa sarili kong unit, ganyan. And meron din akong bagong project, yung My Ilonggo Girl. So lahat bago and ang dami ko talagang natututunan so far kahit January pa lang,” ang pahayag ng dalaga sa panayam ng ABS-CBN.

Tulad ng ibang sumikat na child stars sa Philippine showbiz, dumaan din si Jillian sa awkward stage ng kanyang career, “Actually, nu’ng una naging mahirap talaga siya kasi nagkakaroon ako ng awkward stage nu’ng mga 10 to actually 17 years old awkward stage ko yun.

“Pero nu’ng ginawa ko yung Abot Kamay Na Pangarap, yun talaga yung project na naging sobrang supportive yung mga tao. And slowly, natatanggap na po nila na nagdadalaga na ako and 20 na ako next month,” sey ng aktres.

Patuloy pa niya, “But I also went through an awkward stage talaga. Sa projects medyo nahirapan sila kasi hindi nila alam kung ano yung bagay na roles, kung pambata ba or dalaga na, ganyan. Nu’ng mga time na yun, sabi ko talaga sa sarili ko, alagaan ko lang yung sarili ko.

“Minsan may mga comments pa rin na naiisip nila na mga 13 years old pa rin ako, ganu’n. Parang hindi sila sanay sa mga roles ko or minsan sa mga sinusuot ko. Hindi sila sanay kapag nakaganito (suot na gown) ako na pananamit. So nire-remind ko sila na, ‘Hala, guys, magtu-20 na ako next month. Ha-hahaha!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


Samantala, natanong din si Jillian sa nasabing interview kung sinu-sino sa mga Kapamilya stars ang nais niyang makatrabaho in the future.

“Gusto ko maka-work si Meme Vice (Ganda), sobra! Kapag nagkikita kami talagang napaka-sweet niya sa akin kaya sobrang mahal na mahal ko siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Si Coco Martin, pati sila Sir John Lloyd Cruz, gusto ko talaga maka-work lahat lalo na po ngayon na mas open na talaga ang GMA at ABS-CBN sa isa’t isa,” sabi pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending