Jillian Ward ayaw pang magpaligaw at magkadyowa; pangarap maka-collab sa susunod na project si Vice Ganda | Bandera

Jillian Ward ayaw pang magpaligaw at magkadyowa; pangarap maka-collab sa susunod na project si Vice Ganda

Ervin Santiago |September 10,2023
facebook
share this

Jillian Ward ayaw pang magpaligaw at magkadyowa; pangarap maka-collab sa susunod na project si Vice Ganda

Ervin Santiago - September 10, 2023 - 07:54 AM

Jillian Ward ayaw pang magpaliwag at magkadyowa; pangarap maka-collab sa susunod niyang project si Vice Ganda

Jillian Ward

SA edad niyang 18, walang-wala pa sa isip ng Kapuso Teen Queen na si Jillian Ward ang magkaroon ng dyowa at pumasok sa seryosong relasyon.

Maraming boys ang umaali-aligid ngayon sa dalaga dahil bukod sa sikat na sikat siya ngayon dahil sa kanyang hit afternoon series na “Abot-Kamay na Pangarap” ay talaga namang napakaganda at napakaseksi pa.

Pero, sabi ni Jillian hindi pa raw siya nagpapaligaw at wala nga siyang planong magka-boyfriend anytime soon dahil ang top priority niya ay ang kanyang trabaho at pamilya.

Sa “Not Gonna Lie” segment ng programang “Dapat Alam Mo!” sa GMA 7 at GTV, natanong kay Jillian kung marami bang nanliligaw sa kanya sa totoong buhay, tulad ng nangyayari sa karakter niya sa “Abot-Kamay na Pangarap.”

“I’m not gonna lie. Lie,” ang mabilis na sagot ni Jillian. Pero “lie” ang naging resulta ng lie detector test, na ang ibig sabihin ay “nagsisinungaling” siya.

Paglilinaw naman ng young actress, “Well, hindi po kasi ako nagpapaligaw pa talaga. May mga nagpapa-cute po pero kasi ako myself, iniiwasan ko po muna.”

View this post on Instagram

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


Sundot na tanong kay Jillian kung may mga nagpapa-cute ba sa kanya mula sa mga young actors na kasama niya sa “Abot-Kamay Na Pangarap”.

“Ayoko pong sagutin!” sagot ni Jillian sabay tawa.

Dagdag na pahayag ng Kapuso teen star, hindi pa rin naman daw siya pinapayagan ng kanyang nanay na magka-boyfriend at desisyon din niya na  huwag munang pumasok sa isang seryosong relasyon.

“Mas istrikto po ako sa sarili ko kaysa istrikto sa akin ‘yung mga nasa paligid ko.

“Kasi sabi po nila enjoy-in ko ‘yung pagkabata ko. So I myself, gusto kong mag-focus muna sa work,” esplika pa ng Kapuso young actress.

Sa isang panayam, nabanggit naman ni Jillian na ilan sa mga qualities na hinahanap niya sa isang lalaki ay mabait, talentado at maganda ang personality.

Samantala, kung mabibigyan ng chance gusto rin daw i-try ni Jillian ang mag-comedy dahil halos lahat ng mga nagiging projects niya sa GMA 7 ay puro drama.

At dahil pwede na ngang mag-collab ngayon ang Kapuso at Kapamilya Network, gusto rin ni Jillian na makatrabaho ang ilan sa mga stars ng ABS-CBN.

“Naku! Marami (gustong makasamang Kapamilya stars). Pero ako kasi, lagi kong pinapanood si Meme Vice Ganda. Actually, nagpa-picture ako sa kanya nu’ng GMA Gala, di ko pa napo-post.

“Pero gusto ko siyang maka-work lalo na di ko pa nata-try mag-comedy so gusto kong i-try,” aniya pa.

Jillian Ward ibinandera ang bonggang sasakyan; tinawag na next ‘Marian Rivera’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jillian Ward sa pagbili ng ‘dream car’ na milyun-milyon ang halaga: I think deserve ko na po yun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending