Kathryn Bernardo 'sinadya' bang aminin ang hiwalayan ng Nov. 30?

Kathryn Bernardo ‘sinadya’ bang aminin ang hiwalayan ng Bonifacio Day?

Therese Arceo |December 01,2023
facebook
share this

Kathryn Bernardo ‘sinadya’ bang aminin ang hiwalayan ng Bonifacio Day?

Therese Arceo - December 01, 2023 - 12:50 PM

Kathryn Bernardo 'sinadya' bang aminin ang hiwalayan ng Bonifacio Day?

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel)

PALAISIPAN ngayon sa mga netizens lalo na sa mga fans ng KathNiel kung sinadya nga ba ni Kathryn Bernardo na itapat sa Bonifacio Day ang kanyang pag-amin na hiwalay na sila ni Daniel Padilla.

Matatandaang nagulat ang buong bansa lalong lalo na ang mga taong sumusuporta sa kanilang tambalan matapos maglabas ng official statement ni Kathryn na totoo ang mga kumakalat na chikang hiwalay na sila.

“Chapter closed. I hope this finally helps all of us move forward,” pagkumpirma ni Kathryn sa kanilang break up.

Aniya, nagsimula sa “respeto” ang kanilang relasyon at nagtapos ito ng may “respeto”.

Nagpasalamat rin si Kathryn sa mahigit isang taon nilang pagsasama ni Daniel.

“Deej, you gave me 11 beautiful years and the kind of love that I will forever cherish. I will always be grateful for you,” saad ng Kapamilya actress.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo kinumpirmang hiwalay na kay Daniel Padilla

Samantala, sinabi naman ni Kathryn na hindi na siya mag-e-entertain pa ng mga tanong ukol sa kanilang paghihiwalay.

“I won’t be entertaining questions regarding this anymore. Thank you for understanding,” sey ng Kapamilya actress.

Matapos ang kumpirmasyon ay iba’t ibang teorya ang lumabas sa X (dating Twitter) ukol sa rebelasyon ni Kathryn.

May ilan na nagsasabing tila itinaon raw ng dalaga na November 30 mag-announce at narito ang ilang mga chika nila kung bakit:

“Kathryn announced their break up on Andres Bonifacio day. Sofia Andres posted these stories next to each other right after the announcement. Andres Bonifacio aka Supremo / initals AB. Brillante on the door? iykyk. ang tatalino ng theories #KathNiel,” saad ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes sinisisi sa hiwalayan ng KathNiel

Sey naman ng isa, “Ang orihinal na Dakilang Supremo ay nasapawan ng isa pang Supremo. Quota na si AB ngayong taon. Andres Bonifacio yan ah, wag ng mag isip ng iba pang pangalan.”

“Kathryn Bernardo announced Kathniel’s Break up on Nov 30. AB. Andres Bonifacio’s bday. Deej was part of Bonifacio’s Movie,” lahad naman ng isa.

“Parehong AB ang Andres Bonifacio at Andrea Brilliantes kaya baka nga sa petsa na ito talaga nakatadhana ang pagiging official ng hiwalayan ng Kathniel. Charez. Pero aminin mo, apektado ka rin,” sabi naman ng isa.

Hirit ng isang netizen, “Ang shady talaga ni Kathryn Bernardo kasi diba idol ni Daniel Padilla si Andres Bonifacio kaya ‘Supremo’ username niya sa Instagram tapos nag announce siyang breakup sa mismong Bonifacio Day kaya pala nilipat nung Monday, pinaubaya sa Kathniel.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, wala pa namang reaksyon si Andrea Brillantes hinggil sa kanyang pagkakadamay sa hiwalayang Kathryn at Daniel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending