Jericho game na game makatrabaho si Kathryn

Jericho game na game makatrabaho si Kathryn, KathNiel fans aprub kaya?

Ervin Santiago |November 30,2023
facebook
share this

Jericho game na game makatrabaho si Kathryn, KathNiel fans aprub kaya?

Ervin Santiago - November 30, 2023 - 03:42 PM
Jericho game na game makatrabaho si Kathryn, KathNiel fans aprub kaya?

PINUSUAN at ni-like ng sandamakmak na netizens ang latest social media post ng award-winning actor na si Jericho Rosales.

Ito’y may konek sa Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo na super kontrobersyal ngayon dahil sa umano’y paghihiwalay nila ni Daniel Padilla nang dahil daw kay Andrea Brillantes.

Nagpahayag ang premyadong aktor ng kanyang pagkagusto na makatrabaho ang Outstanding Asian Star at isa sa A-listers ng Kapamilya Network.

Sa pamamagitan ng Instagram story, nag-share si Jericho ng isang photo collage kung saan kasama niya ang mga leading men na sina Enrique Gil, James Reid at Donny Pangilinan, habang nasa gitna si Kathryn.

Sey ni Jericho, gusto niyang makasama ang tatlong aktor sa isang project pero mukhang mas okay daw kung mabibigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang girlfriend ni Daniel Padilla.

Ang nakasulat sa text caption ng IG post ni Echo, “While I would love to be paired with these gorgeous leading men, I think it would make more sense to work with Kath at this moment.”

Baka Bet Mo: Jericho ibinandera ang OOTD sa loob ng ‘kulungan’, nakaposas pa: ‘I’m just very happy to be acting in front of the camera again’

Never pang nagkakasama sa isang pelikula o teleserye sina Echo at Kath kahit pa pareho silang nasa bakuran ng ABS-CBN.

Pero kung matatandaan, si Kathryn ang gumanap bilang Yna Macaspac sa remake ng seryeng “Pangako Sa ‘Yo” noong 2015, na unang ginampanan ni Kristine Hermosa.

Sa original version ng “Pangako Sa ‘Yo” ng ABS-CBN ay nagtambal sina Echo at Kristine na talaga namang nagmarka sa mga manonood kaya naman naisipan itong i-remake ng Kapamilya Network.

In fairness, marami ang nagkomento na aabangan at susuportahan nila nang bonggang-bongga sakaling mabigyan ng chance sina Jericho at Kathryn na makagawa ng pelikula o teleserye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo, dear BANDERA readers and followers, pasado ba sa inyo ang pagsasama o pagtatambal nina Echo at Kath sa isang movie o TV show?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending