Jericho sumabak pa rin sa acting workshop sa New York kahit 'best actor' na sa Pinas Bandera

Jericho sumabak pa rin sa acting workshop sa New York kahit ‘best actor’ na sa Pinas

Ervin Santiago |March 03,2022
share this

Jericho sumabak pa rin sa acting workshop sa New York kahit ‘best actor’ na sa Pinas

Ervin Santiago March 03, 2022 - 08:15 PM

Kim Jones at Jericho Rosales

KAHIT nakaipon na ng sandamakmak na acting awards mula sa kanyang mga pelikula at teleserye, tuloy pa rin si Jericho Rosales sa pag-aaral bilang artista.

Itinuturing na ngayon sa showbiz industry si Echo bilang isa sa “best actors of his generation” pero mukhang hindi pa siya kumbinsido na napakagaling na niyang aktor.

Mismong si Jericho ang nagbalita sa madlang pipol na um-attend siya kamakailan ng acting workshop sa New York City. Doon na naka-base si Jericho kasama ang asawang model at content creator na si Kim Jones. 

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Echo ng kanyang litrato nitong nagdaang Miyerkules, March 2, na kuha sa isang lugar sa New York na binisita niya.

Aniya sa caption, “Acting workshops – one of my happy places. This stoke is for everyone! Acting should be taught in schools.”

“Anyway, I made a new friend and had a good walk,” sabi pa ng aktor gamit ang hashtag na #gettingreadytowork. 

Nito lang huling linggo ng February ibinalita ni Jericho na magdesisyon na sila ng kanyang wifey na si Kim na manirahan na muna sa NYC.

Kasunod nito, ipinasilip din ng Kapamilya award-winning actor ang nakuha nilang apartment sa Big Apple. Hindi naman nabanggit ni Echo kung for good na sila roon ng asawa o kung babalik pa rin sa Pilipinas.


Ang huling project ni Jericho sa TV ay ang Kapamilya primetime series na “Halik” na umere noong 2018 hanggang 2019. Bumida rin siya sa short film na “Basurero” na inilaban sa Busan International Film Festival noong 2019. 

Wala pang update kung matutuloy pa ang pelikulang gagawin sana ni Echo na kukunan sa Los Angeles na ibinalita niya sa mga fans last year.

Jericho Rosales ibinandera ang bagong bahay sa New York: Anong oras dadaan ang taho?

Luis hindi selosong dyowa, kinilig sa tambalan nina Jessy at Jericho

Sino kina Julia, Charlie at Janine ang bagay gumanap na kabit sa Pinoy version ng ‘Doctor Foster’?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending