Andrea Brillantes handa na sa mature roles; inatake ng nerbiyos kay Coco

Andrea Brillantes at Coco Martin
FEELING lucky ang Kapamilya actress at influencer na si Andrea Brillantes sa chance na ibinigay sa kanya ni Coco Martin na maging bahagi ng bagong season ng “FPJ’s Batang Quiapo.”
Isa si Andrea sa mga bagong cast members ng top-rating action drama series ng ABS-CBN na mahigit dalawang taon na ring namamayagpag sa free TV at sa nga online platforms.
“At first, natuwa ako. Pero kinabahan din ako. It is a great opportunity for me as an actress but at the same time, alam ko kasi iba ang, may sariling flavor si Direk Coco.
Baka Bet Mo: Nadine natupad na ang pangarap maging sirena, sigaw ng fans: ‘Dyesebel, beke nemen!’
“May sarili siyang timpla sa set kung paano ang script, alam naman natin kung paano walang script sa set ng Batang Quiapo. Of course, I took the opportunity, Im happy, excited but still nervous,” ang pahayag ni Andrea sa ulat ng ABS-CBN.
View this post on Instagram
Dagdag chika ng dalaga, “I admit it. Talagang kinakabahan po ako yes, iniisip ko siya daily. Minsan five times a day, I think about it more than I eat pa nga, eh.”
Pagpapatuloy pa niya, “Yun mga kasama ko po, sobrang bigatin nila. Nung una, super happy lang ako eh. Pero when I got there, may storycon, merong press, yung mga kasama ko sa seat, (sabi ko sa sarili ko), what am I even doing here?
“Pero nagtiwala sila sa akin, ibig sabihin naniniwala sila na meron akong ibubuga. So, kailangan ko, to live up to their expectations. I will try my very best,” dagdag ni Andrea.
Wish ni Andrea na magtagal ang kanyang karakter sa “Batang Quiapo”, “Yes, gusto ko po talaga magtagal. Kailangan ko pong galingan, para hindi po ako i-tegi, ayoko po, eh! Naririnig n’yo po ba? (sabay tingin sa litrato ni Coco sa hallway of ABS-CBN).”
Nabanggit din ni Andrea na mula sa mga pinagbidahan niyang serye tulad ng “Senior High” at “High Street”, mas handa na siya sa new era ng kanyang career.
“I think yes, I am ready for more mature roles. We have this thing na lapag mature roles, parang daring sexy na. It’s more of like, for me leveling up pa kasi yung mga kasama ko talaga mga bigating veterans.
“Ako po yung dapat na lumevel up sa kanila. I need to embrace itong role na binigay sa akin. I need to step up my game!” lahad pa ng aktres.
“Different era for me, sana maging super blessed itong new era na ito. Tapos magte-22 (years old) na rin ako. So talagang, ang daming room for exploration!” dagdag chika ni Andrea Brillantes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.