Andres Bonifacio 'etchapwera' sa November 30 dahil sa KathNiel

Andres Bonifacio ‘etchapwera’ sa November 30 dahil sa KathNiel, sey ng madla: ‘Siya na nag-adjust’

Therese Arceo |December 01,2023
facebook
share this

Andres Bonifacio ‘etchapwera’ sa November 30 dahil sa KathNiel, sey ng madla: ‘Siya na nag-adjust’

Therese Arceo - December 01, 2023 - 11:15 AM

Andres Bonifacio 'etchapwera' sa November 30 dahil sa KathNiel, sey ng madla: 'Siya na nag-adjust'

Andres Bonifacio, KathNiel

TILA nawala sa eksena ang bayaning si Andres Bonifacio nitong November 30 matapos ang kumpirmasyon ni Kathryn Bernardo ng kanilang hiwalayan ni Daniel Padilla.

Matatandaang kahapon ay itinalagang “Bonifacio Day” bilang pagbibigay pugay sa bayani sa kanyang kaarawan.

Ngunit sa kabila ng selebrasyon ng birthday ni Andres ay mas maugong na pinag-usapan ang hiwalayan ng KathNiel.

At kahit na marami ang nasasaktan dahil nagtapos na ang mahigit isang dekadang pagsasama nina Kathryn at Daniel, kanya kanyang hirit naman ang mga netizens tungkol sa hindi pagiging “bida” ng bayani sa sarili niyang araw.

“bonifacio day got moved and now overshadowed by kathniel i know gat andres bonifacio is rolling in his grave right now,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Kawawa naman si Bonifacio. Birthday niya pero ibang supremo ‘yung bida.”

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo kinumpirmang hiwalay na kay Daniel Padilla

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

May ilan pang mga kwelang hirit ang madlang pipol sa naging “adjustment” ni Andres para sa pasabog na kumpirmasyon ni Kathryn.

“Kaya pala ginawang November 27 ang Bonifacio Day ngayong taon kasi aamin na ang KathNiel sa hiwalayan nila,” sey ng isang netizen.

Pabirong sabi naman ng isa, “Ganoon kalakas ang KathNiel. Isipin mo, si Andres Bonifacio na nag-adjust ng birthday niya para sa announcement ng break up ng KathNiel.”

“guys baka kaya inadvance yung birthday ni Andres Bonifacio para mag give way sa breakup ng kathniel,” chika pa ng isa.

May ilan pang nag-sorry na hindi raw muna makakapunta sa “inuman” at “handaan” ng bayani para i-comfort si Kathryn.

“Andres Bonifacio pasensya pero para kay kath muna yung tagay nato.
#KathNiel #KathrynBernardo,” hirit ng isa.

Dagdag pa ng isa, “Sorry Andres Bonifacio pero kay Kath at sa Kathniel fans muna ang shot puno.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang kahapon ay nagulat ang buong bansa matapos ianunsyo ni Kathryn na totoo ang chika ukol sa hiwalayan nila ni Daniel.

Wala naman siyang ibang binanggit na dahilan ng kanilang hiwalayan at nagpasalamat rin ito sa “11 beautiful years” na pagsasama nila ng binata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending