Kagaya ni Bonifacio, Pinoy athletes bayani rin
KASABAY ng pagdiriwang ng 156th birth anniversary ni Andres Bonifacio ang formal opening rites ng 30th Southeast Asian Games.
At kagaya ng kabayanihan ng rebolusyunaryo, nais ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na bigyang pugay ng lahat ng Pilipino ang national athletes na masasabing modern-day heroes.
“Today, we celebrate the birth of one of our greatest national heroes, Gat Andres Bonifacio, who was known for his courage and love for the Philippines. Coincidentally, we also celebrate the heroic feats of our Filipino athletes who continue to raise the country’s flag through sports,” sabi ni PHISGOC Chairman and Speaker Alan Peter Cayetano.
“These national athletes embody the virtues of Bonifacio. They exude courage every time they fight in their respective sports events. And they do so with the goal of bringing honor to the Philippines,” aniya pa.
Sinabi ni Cayetano na bayani ang mga atletang Pilipino dahil sa kanilang pagbibigay karangalan para sa bansa. Isa rin umano itong pagkakataon para parangalan ang mga manlalaro at ipamalas sa mundo ang galing ng Pinoy.
Hinihikayat din ng PHISGOC ang sambayanan na panoorin at suportahan ang national teams. Mayroong 56 spotrts na lalaruin at 500 events na isasagawa sa 58 hiwa-hiwalay na veues sa Metro Manila, Central at Southern Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.