#WalangPasok sa Sabado (Nov. 30) dahil ‘Bonifacio Day’
PAALALA mga ka-BANDERA na holiday sa darating na Sabado, November 30!
Ito ay para maipagdiriwang ang kapanganakan ng ating bayani na si Andres Bonifacio na tinatawag nating “Bonifacio Day.”
Kamakailan lang, may mga panawagan na ilipat ang Bonifacio Day sa Biyernes, November 29, imbes na Sabado upang maging long weekend.
Pero iginiit ng Office of the Executive Secretary (OES) na hindi nila ito i-a-adjust.
Baka Bet Mo: AC Bonifacio nape-pressure bilang unang artist ng Star Magic Records
“No movement of the holiday,” sey ng OES sa mga reporter matapos tanungin kung ang Biyernes ay walang pasok.
Kung matatandaan noong Oktubre, ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nag-isyu ng guidelines para sa mga empleyadong magtatrabaho o hindi sa November 30.
Base sa palatuntunan ng DOLE, ang mga empleyado na walang trabaho sa Bonifacio Day ay tatanggap ng full daily wage basta’t sila ay pumasok sa trabaho o naka-leave with pay ng Biyernes (Nov. 29).
Nasa listahan din ‘yung mga empleyado na may pasok sa nasabing araw na dapat ay makatanggap ng double pay sa unang walong oras at kung sila ay nag-overtime, sinabi ng DOLE na may karapatan silang makatanggap ng karagdagang 30% ng kanilang hourly rate.
Kung ang empleyado naman ay papasok sa regular holiday na pumapatak din sa araw ng kanilang pahinga ay entitled sa 200% na regular daily wage at karagdagang 30%. Samantala, para sa overtime work, tatanggap sila ng karagdagang 30% ng kanilang hourly rate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.