Lolit Solis awang-awa kay Andrea Brillantes

Lolit Solis awang-awa kay Andrea Brillantes: Tumatak na iyon mga controversy na nagawa niya

Therese Arceo |November 25,2023
facebook
share this

Lolit Solis awang-awa kay Andrea Brillantes: Tumatak na iyon mga controversy na nagawa niya

Therese Arceo - November 25, 2023 - 04:36 PM

Lolit Solis awang-awa kay Andrea Brillantes: Tumatak na iyon mga controversy na nagawa niya

Lolit Solis at Andrea Brillantes

HINDI maiwasang maawa ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis sa isa sa mga kontrobersyal na aktres ngayon na si Andrea Brillantes.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang opinyon hinggil sa pinagdaraanan ng aktres.

“Salve alam mo bang naawa ako kay Andrea Brillantes dahil sa mga sinasabi at iniisip ng mga tao sa kanya. Iyon bang tumatak na iyon mga controversy na nagawa niya at ngayon tuloy iniisip nila na ganuon nga talaga si Andrea sa tunay na buhay,” saad ni Lolit.

Ngunit sa kabila raw ng ng kontrobersyang kinakaharap nito ay nakatulong pa ito sa “personalidad” ng dalaga.

“Pero siguro iyon controversy na iyon ang nagbigay ‘hotness’ sa personality niya. Alam mo bang crush siya ng mga teenagers na lalaki at para sa kanila siya ang pinaka ‘yummy’ youngstar sa ngayon,” pagpapatuloy pa ni Lolit.

Aniya, ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan raw ng dalaga ay naging daan para mas marami pang humanga at magkagusto sa kanya.

Baka Bet Mo: Robi Domingo pinabulaanan ang pag-unfollow kina Daniel Padilla, Andrea Brillantes

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Parang naging way pa para isipin ng mga teenagers na very hot at liberal si Andrea kaya number 1 sa listahan ng mga crush nilang youngstars. Iba din dating niya niya, parang young boldstar na pang teeners. Kaya naman very yummy siya sa mga mata ng mga kabataan,” sey pa ni Lolit.

Samantala, hiling naman niya na sana hindi sa totoong buhay ang imahe ni “Blythe” na “wild”.

Sana nga hindi sa tutoong buhay ang mga pagiging wild ng image ni Andrea dahil sayang. Isa siya sa pinaka promising na youngstar sa ngayon. Maganda at talented kaya naman crush ng bayan. Bongga di bah Salve at Gorgy,” hirit pa ni Lolit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilang linggo na ring laman ng mga balita si Andrea matapos itong masangkot sa diumano’y hiwalayan ng long time couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa kabila ng pagkakadawit sa isyu ay nananatili namang tahimik si Andrea Brillantes ukol sa ibinabato sa kanya ng mga netizens.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending