Maris Racal, Anthony Jennings sinuwerte dahil sa 'poo-poo'

Loveteam nina Maris Racal at Anthony Jennings sinuwerte dahil sa ‘poo-poo’

Ervin Santiago |February 14,2024
facebook
share this

Loveteam nina Maris Racal at Anthony Jennings sinuwerte dahil sa ‘poo-poo’

Ervin Santiago - February 14, 2024 - 11:12 AM

Loveteam nina Maris Racal at Anthony Jennings sinuwerte dahil sa 'poo-poo'

PINATUNAYAN ng Kapamilya loveteam na sina Maris Racal at Anthony Jennings na may swerteng hatid sa mga tao ang “poo-poo”.

Matandang kapaniwalaan na ang sinasabing may dalang magandang balita kapag nanaginip ka ng dumi ng tao. Maraming pera o blessing daw ang ibig ipakahulugan nito.

Kaya naman marami ang nagsasabi na dahil sa nakakalokang eksena nina Maris at Anthony sa Kapamilya romcom series na “Can’t Buy Me Love” kung saan nakatapak nga ng “poop” ang aktres, ay biglang sumikat ang kanilang tambalan.

Ayon kay Anthony, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na napakarami na ring fans at followers ng tandem nila ni Maris na SnoopRene, ang pinagsamang pangalan ng mga karakter nila sa “Can’t Buy Me Love” na Snoop at Irene.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat nina Anthony at Maris sa lahat ng manonood na talagang nag-aabang sa mga bardagulan scenes nila sa seryeng pinagbibidahan din nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

“Thankful ako na tinatanggap siya ng mga tao and ayun mahal pa rin nila characters namin, yung tandem namin. Kinikilig pa,” chika ni Anthony sa panayam ng ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Maris Racal, Anthony Jennings nasasapawan na ba ang DonBelle?

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Aniya pa, “Sobrang nakaka-overwhelm kasi hindi ko rin ine-expect na magboboom yung character ganoon. Ako nag-internalize lang kasi ako na kailangan makulit ako tapos ito na ako ngayon.”

Patuloy pang chika ni Anthony, “Masaya kasi at least na-recognize nila at saka walang nangyari na ganoon ah kasi first time na magsimula yung love team sa t*e (poop)! Ha-hahaha.”

Naaalala pa raw ni Anthony ang unang pagkikita nila ni Maris kung saan talagang inatake raw siya ng matinding kaba nang sumalang na sila sa taping.

“Una kaming nagkita, siyempre presscon pero yung una kaming nagkaeksena doon kami nagka-interaction ni Maris.

“Kabadung-kabado ako. Hindi ko alam kung paano. Sabi ko, ‘si Maris ito eh, siyempre kilala ko na at napapanood ko na si Maris. So paano ko gagawin ito?’” pag-alala pa ni Anthony.

“Magaan naman kausap itong si Maris so feeling ko magkakasundo kami. Excited ako and siya rin naman natuwa rin siya sa outcome nang eksena na ginawa namin,” dagdag pang chika ng aktor.

Patuloy pa niya, “Parehas kami ng technique kung paano magpatawa ng tao. Tsaka si Maris magaling siya. Sobrang sarap niya kaeksena. Magaling siyang kabatuhan ng lines. Nape-pressure nga ako minsan kasi sabi ko, ‘naku hindi nagba-buckle ito.’”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sobrang nagpapasalamat din ako na siya yung naging partner ko sa Can’t Buy Me Love. Ang galing! Astig!” papuri pa niya kay Maris.

Nauna rito, sinabi ni Maris na wala talaga sa plano ang tandem nila ni Anthony, “Actually, until now hindi ako makapaniwala kasi it was all unplanned.

“Nagkaroon lang kami ng eksena na nakaapak ako ng poop and natuwa naman ako kasi hindi naman laging may makakatambal ka na magwo-work and ‘yung humor niyo and very happy ako sa support ng mga tao,” sey ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending