Maris Racal, Anthony Jennings nasasapawan na ba ang DonBelle?

Maris Racal, Anthony Jennings nasasapawan na ba ang DonBelle?

Therese Arceo |January 11,2024
facebook
share this

Maris Racal, Anthony Jennings nasasapawan na ba ang DonBelle?

Therese Arceo - January 11, 2024 - 08:13 PM

Maris Racal, Anthony Jeggings nasasapawan na ba ang DonBelle?

Maris Racal at Anthony Jennings

MAS lalong minamahal ng madlang pipol ang unexpected tandem ng Kapamilya stars na sina Maris Racal at Anthony Jennings sa series na “Can’t Buy Me Love”.

Marami nga sa mga netizens ngayon ang pumupuri At nagbibigay ng magandang reaksyon sa dalawa dahil sa kwela nilang tambalan.

At dahil nga magagandang feedback ng madlang pipol kina Maris at Anthony ay mas dumarami na ang exposure nito sa series.

Bukod pa rito, marami rin sa mga netizens ang nagsasabing sobrang swak ang tambalan ng dalawa pra sa mga rom-com series.

Si Maris ay gumaganap bilang si Irene Tiu, kapatid ni Belle Mariano na gumaganap naman bilang si Caroline Tiu. Samantala, si Anthony naman ay gumaganap bilang si Snoop na sidekick ni Donny Pangilinan na gumaganap bilang si Bingo.

Sa sobrang pagkaaliw ng madla ay may nagre-request pa nga sa Kapamilya management na bigyan ng rom-com project ang dalawa.

Baka Bet Mo: Tambalang Maris Racal-Anthony Jennings sa Can’t Buy Me Love laging trending

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Narito ang ilan sa mga komento ng madlang pipol ukol sa tambalang Maris at Anthony.

“Parang kaya nga nilang dalhin ang show hahaha,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Inaabangan ko talaga sina Maris at Anthony sa CBML. Bagay na bagay sina Snoop at Irene sa totoo lang!”

“ABS-CBN, beke nemen puwedeng bigyan sila ng sariling series o movie, bagay silang dalawa!”

Baka Bet Mo: Maris Racal super happy sa bagong business venture sa La Union: May coffee shop na ako! Thank you God for this blessing!

Hindi naman maiwasan ng ibang netizens na magkomento at magsabing tila nasasapawan na ng dalawa ang lead stars na sina Donny at Belle na mas kilala bilang DonBelle.

Isang fan pa nga ang nag-comment sa post ni Maris kung saan sinabihan itong nakikisakay sa kasikatan ng DonBelle.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nadikit ka lang sa DonBelle, umarte ka na ng ganyan! Wait mo matapos series, if san ka pulutin. Arte arte mo wala sa lugar. Feeling BIDA yarn?! DonBelle is DonBelle after the series. Let’s see if kaya mo sabayan yung solid and laki ng Fandom/Fanbase nila. Para kang langaw na nakatuntong sa kalabaw. Nakikisakay ka lang. Gets mo?! Ay Irene Tiu pa ba to or Maris Racal na?!” saad ng isang netizen.

Reply naman ng dalaga, “omg naging thankful lang ako. Sorry.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending