Maris sa titulong Rom-Com Queen: Parang 'di ko pa keri

Maris sa titulong bagong Rom-Com Queen: Parang ‘di ko pa keri ‘yung crown

Ervin Santiago - February 05, 2024 - 07:33 AM

Maris sa titulong bagong Rom-Com Queen: Parang 'di ko pa keri 'yung crown

Maris Racal at Anthony Jennings

MATINDING pressure ang nararamdaman ni Maris Racal kapag tinatawag siyang “The New RomCom Queen.”

Nagpakatotoo ang Kapamilya actress sa pagsasabing parang hindi pa niya deserve ang tawaging bagong reyna ng romcom sa Philippine showbiz.

Ito’y sa gitna nga ng tinatamasang kasikatan ng tambalan nila ni Anthony Jennings sa hit ABS-CBN series na “Can’t Buy Me Love” na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey ni Maris, hindi naman daw siya nape-pressure sa loveteam nila ni Anthony, mas pressured daw siya sa titulong “Rom-Com Queen” ng bagong henerasyon.

Baka Bet Mo: Maris wala pang balak magpakasal kay Rico: At 23, marami pa akong gustong marating

“Ayun ‘yung nakaka-pressure! Kasi this country sobrang love nila ang rom-com parang hindi ko pa keri ‘yung crown!’ katwiran ni Maris.

Inamin din niya na hindi niya ni-expect na magiging mainit ang pagtanggap ng manonood sa tambalan nila ni Anthony sa “Can’t Buy Me Love” kung saan ginagampanan nila ang mga karakter nina Irene Chiu at Snoop.

Ngayon nga ay tinatawag na sila ng kanilang mga fans na “SnoopRene” at talagang palaging trending ang mga nakakakilig at nakaka-good vibes nilang mga eksena sa serye.

“Actually until now hindi ako makapaniwala kasi it was all unplanned. Nagkaroon lang kami ng eksena na nakaapak ako ng poop and natuwa naman ako.

“Kasi hindi naman laging may makakatambal ka na magwo-work and ‘yung humor niyo and very happy ako sa support ng mga tao,” sey ni Maris sa panayam ng ABS-CBN.

Kino-consider din ng dalaga ang karakter niya sa “CBML” na biggest role niya to date, “There are different categories kasi sa teleserye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“The first I played sa ‘Pamilya Ko’ si Peachy Magbunga, and then ito naman, dumating si Irene. I think I can say na ito na biggest role ko sa teleserye,” kuwento ni Maris.

Baka Bet Mo: Rico nagpakilig sa pagbati kay Maris: Happy birthday Madam! Love you so much po!

At tungkol nga sa kasikatan ng loveteam nila ni Anthony, wala naman daw siyang napi-feel na pressure, in fact, excited pa nga siya sa mga susunod na kaganapan sa “SnoopRene.”

“I don’t feel any pressure naman, hindi ako nape-pressure, na ha-happy ako every time may scenes kami ni Anthony.

“Parang very challenging in a good way, na gandahan natin kaysa sa last. So looking forward ako palagi,” aniya pa.

Nauna nang sinabi ni Anthony na game na game siya sakaling magkaroon ng spin-off series ang kuwento nila ni Maris sa “Can’t Buy Me Love.”

“Kung bibigyan ng kasunod, bakit hindi? Kung ano ‘yung mangyayari, go with the flow naman kami parehas eh,” sey ng aktor.

“Di lang namin in-expect talaga na aabot sa ganito. Actually, may halong adlib na rin, siyempre sinusunod pa rin namin ‘yung script of course pero once may maisip kami na ‘ah pwede idagdag ‘to na ideas’, sinasabi namin kina Direk.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kapag mag-aadlib ‘yung isa, hindi magpapatalo ‘yung isa, eh. Bigayan kayo,” dagdag pa ni Anthony.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending