'Talong' ni Maris Racal 'sumilip', sey ng netizens: I kennat!

‘Talong’ ni Maris Racal ‘sumilip’, sey ng netizens: I kennat!

Therese Arceo |January 26,2024
facebook
share this

‘Talong’ ni Maris Racal ‘sumilip’, sey ng netizens: I kennat!

Therese Arceo - January 26, 2024 - 01:53 PM

Maris Racal

Maris Racal

NA-DOGSHOW na naman ang Kapamilya actress na si Maris Racal sa latest picture na ibinahagi nito sa social media.

Nag-post kasi ang dalaga sa kanyang Instagram account ng kanyang solo pic kung saan makikita ang kanyang sexy body kahit nakatagilid ito.

“it’s been a long time, feed. i was obsessing over my broadcast channel i forgot about u,” saad ni Maris sa caption.

Ngunit ang simpleng pag-update lang sana ng aktres sa kanyang followers ay nabahiran ng kalokohan matapos na may mapansin ang isang netizen sa kanyang picture.

Tila dumungaw raw kasi ang “talong” ni Maris sa naturang larawan.

Sa harap kasi nito ay may mapapansing mahaba at manipis na nakalaylay sa gitnang parte ng katawan ng dalaga.

Baka Bet Mo: Nadine Lustre sa paggawa ng GL movie with Maris Racal: ‘Ako, game ako!’

Comment ng netizen, “Haba ng etits mo sa first pic, Ernalyn.”

Nag-reply si Maris at sinabing, “KAMAY KO YUN [crying emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Agad ring umani ng samu’t saring komento mula sa netizens ang usapan nina Maris at ng netizen sa comment section.

“I KENNAAAATTT [crying emoji] HAHAHAAHAHAAJJAJ,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “HOYYYY NILARO NYO NA NAMAN SI MARIS!!!”

“mahaba na manipis,” hirit naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi naman ito ang unang beses na binardagol ng madlang pipol si Maris.

Matatandaang noong nagdaang ABS-CBN Ball 2023 ay dinogshow rin ang kanyang blue and white dress at inihambing siya kay Mama Mary pati na rin sa famous logo ng Columbia Pictures.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending