Nadine Lustre game sa paggawa ng GL movie with Maris Racal

Nadine Lustre sa paggawa ng GL movie with Maris Racal: ‘Ako, game ako!’

Pauline del Rosario - January 14, 2024 - 02:55 PM

Nadine Lustre sa paggawa ng GL movie with Maris Racal: ‘Ako, game ako!’

Nadine Lustre, Maris Racal

NAKARATING na kay Nadine Lustre ang pagnanais ni Maris Racal na makatambal siya sa paggawa ng lesbian movie o Girl Love (GL) movie.

Ayon kay Nadine, game na game siyang makatrabaho si Maris.

Pero bago ‘yan, natanong muna ng INQUIRER.net ang aktres kung handa na ba itong sumabak sa nabanggit na genre ng pelikula.

“I don’t know if I’m ready for a movie like that,” sagot ni Nadine matapos ma-interview sa isang skin care event noong January 12.

Sambit pa niya, “Ako naman, I’m always leaning towards a good script. If it is always a good script, down naman ako to do it.”

Kasunod niyan ay nabanggit na sa kanya na isa siya sa mga nais makatambal ni Maris in the future pagdating sa nasabing genre.

Baka Bet Mo: Nadine Lustre sa hiwalayan ng KathNiel: Ang tagal din ng 11 years

Na-excite naman bigla si Nadine at tila kinilig nang malaman ito, kaya ang sagot niya: “Yeah, let’s see. Ako game ako.”

Sey pa niya, “I’m very collaborative, and I love working with different people. Sobrang excited.”

“I just love when a lot of people kind of want to work with me. I’m looking forward to that,” ani pa ng aktres.

Kung maaalala, nabanggit ni Maris sa isang interview na nais rin niyang gumawa ng romantic-comedy na GL movie.

Maliban kay Nadine, gusto rin daw niyang makatambal ang isa pang aktres na si Barbie Forteza.

Samantala, naunang nagpahayag ng interes na gumawa ng GL project ang aktres na si Xyriel Manabat.

Sey niya sa isang press conference, bet niyang makagawa ng lesbian series at walang problema sa kanya ang pagsabak sa mga intimate na eksena at kissing scene with another girl.

Ibinunyag pa nga niya na nais niyang makatambal ang kaibigan at co-star na si Andrea Brillantes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibinuking din ni Xyriel na type rin daw ni Andrea na subukan ang GL series o movie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending