Maris game na game sumabak sa GL movie, gustong makatambal sina Nadine, Barbie
SAKALING gagawa ng lesbian project o Girl Love (GL) movie ang aktres na si Maris Racal, dalawang sikat na babaeng artista ang nabanggit niyang nais makatambal.
Sila’y walang iba kundi sina Nadine Lustre at Barbie Forteza.
‘Yan mismo ang sinabi ni Maris sa naging panayam niya with Mega habang tinatalakay ang kanyang interes na gumawa ng nasabing proyekto.
“Sana may romcom na GL na darating. I really want to work with Barbie Forteza and Nadine Lustre,” sambit ng aktres sa interview.
Kung maaalala, nauna nang inihayag ni Maris noong nakaraang taon na nais niyang makatrabaho si Barbie matapos siyang mag-reply sa isang tweet na tila shini-ship silang dalawa ng isang fan.
Tugon niya sa post, “Sobrang game if ever.”
Baka Bet Mo: Si Maris Racal nga ba ang nagparamdam kay Rico Blanco?
sobrang game if ever 🥹 https://t.co/SSdCiHJCOa
— Maris Racal (@MissMarisRacal) May 22, 2023
Recently lamang ay nagte-trending ang aktres sa social media matapos mapansin ang mahusay niyang pag-arte bilang si Irene Tiu ng drama series na “Can’t Buy Me Love.”
Ayon sa kanya, ang kanyang inspirasyon sa kanyang role ay ang karakter ni Siobhan Roy sa comedy-drama series na “Succession.”
“Nung napanood ko ‘yun (Succession), ang dami kong nakuhang acting tips by just watching kasi ang gagaling ng mga artista doon,” sambit ni Maris.
Pagbabahagi pa niya, “I made Irene Tiu something like Siobhan Roy and Ronen Roy. Pinag-mix ko ‘yung dalawang characters na ‘yun.”
Bukod kay Maris, inamin din ni Xyriel Manabat sa isang presscon na bet din niyang makagawa ng lesbian series at walang problema sa kanya ang pagsabak sa mga intimate na eksena at kissing scene with another girl.
Ibinunyag pa nga niya na nais niyang makatambal ang kaibigan at co-star na si Andrea Brillantes.
Ibinuking din ni Xyriel na type rin daw ni Andrea na subukan ang GL series o movie.
Tawa naman nang tawa si Andrea nang usisain kung ano ang reaksyon niya sa mga rebelasyon ni Xyriel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.