Barbie Forteza: ‘I really like the attention, but hindi ganito na nanghihimasok’
NAG-OPEN UP ang Kapuso actress na si Barbie Forteza patungkol sa pinagdadaanan niya ngayon sa kanyang acting career.
Alam naman natin na mahigit isang dekada na sa showbiz industry si Barbie, pero ibang level ang kasikatan niya mula nang bumida siya sa television series na “Maria Clara at Ibarra” kasama ang aktor na si David Licauco.
Sa panayam ng TV host na si Luis Manzano, inamin ng aktres na natutuwa siya sa mga nakukuhang atensyon, pero may mga pagkakataon na tila sumosobra na raw ang iba.
“‘Nung una na-overwhelm ako to the point na kailangan ko puntahan ‘yung kapatid ko sa Chicago kasi para sakin masyado naging overwhelming parang nakakalunod masyado,” sey ng aktres.
Dagdag niya, “I really like the attention and the recognition, but kasi syempre kasabay ‘nun parang lahat naging critic.”
“Parang kahit hindi na sa pag arte eh, ‘yung personal mong buhay, parang tinuturuan ka nila paano mabuhay,” paliwanag niya.
Inamin din ni Barbie na ibang klaseng maging sikat sa panahong ito dahil pati raw ang kanyang personal na buhay, lalo na pagdating sa kanyang lovelife ay pinapakielamanan na.
“‘Nung high times ko dati hindi naman ganitong level. Masaya. Hindi ganito na nanghihimasok sa personal kong buhay,” sambit niya.
Patuloy niya, “Ibang level na kasi ngayon eh lalo na with social media. Parang lahat, they all have the power to say what they want.”
Binigyang-diin ng young star kung gaano kalungkot ang kanyang nararamdaman dahil mas pinagtutuunan ng pansin ang kanyang personal life kaysa sa mga nagiging achievements niya bilang artista.
“Sa career ko, ‘yan ang hindi ko inakala na ma-e-encounter ko na problema lalo na sa edad kong ‘to,” saad niya.
Patuloy niya, “I’d like to believe na nag-mature na rin ako, so parang to go back to that, tapos parang na-o-overshadow niya ‘yung achievements ko as a person, as an actress, nao-o-vershadow siya ng love life ko. Sayang lang.”
Sa huli ay muling inulit ni Barbie na maayos ang relasyon sa pagitan ng kanyang real-life partner na si Jak Roberto at on-screen love team na si David.
Si Barbie at David ay muling magtatambal sa latest projects ng GMA.
Pagbibidahan ng dalawa ang upcoming Japanese-era war drama na may titulong “Pulang Araw,” at ang upcoming film na pinamagatang “That Kind of Love.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.