Barbie Forteza itatambal sa pambatong Kapamilya leading man sa gagawing pelikula ng GMA at ABS-CBN; 'Unbreak My Heart' marami pang pasabog | Bandera

Barbie Forteza itatambal sa pambatong Kapamilya leading man sa gagawing pelikula ng GMA at ABS-CBN; ‘Unbreak My Heart’ marami pang pasabog

Ervin Santiago |October 17,2023
facebook
share this

Barbie Forteza itatambal sa pambatong Kapamilya leading man sa gagawing pelikula ng GMA at ABS-CBN; ‘Unbreak My Heart’ marami pang pasabog

Ervin Santiago - October 17, 2023 - 07:29 AM

Barbie Forteza itatambal sa pambatong Kapamilya leading man sa gagawing pelikula ng GMA at ABS-CBN; 'Unbreak My Heart' marami pang pasabog

Barbie Forteza at ang cast members ng ‘Unbreak My Heart’

PLANONG itambal ng GMA 7 ang Kapuso Primetime Drama Princess na si Barbie Forteza sa isang pambatong leading man ng ABS-CBN.

Yan ang kinumpirma ni GMA Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group Annette Gozon-Valdez nang makachikahan ng press sa naganap na finale mediacon ng “Unbreak My Heart“, na unang collaboration project ng Kapamilya at Kapuso Network.

Bukod sa mga drama series, nakatakda ring gumawa ng pelikula ang dating magkalabang TV station. Wala pa raw silang finals plans about this pero naiisip nilang i-partner ang kanilang talent na si Barbie sa isang sikat na leading man ng ABS-CBN.

“Wala pang cast in stone but we’re hoping na meron pang collaborations. Sana next year. Sana may movies, makagawa na. We’ll start na makipag-usap. We’ll see,” ani Ms. Annette.


Nang makaharap at makachikahan ng GMA executive ang ilang bossing ng Kapamilya network sa naganap na ABS-CBN Ball 2023, napag-usapan nila uli ang possible new collaboration.

“Nu’ng ABS-CBN Ball nakausap ko ulit sila Kris Gazmin pati sila Carlo Katigbak, Cory Vidanes. Sabi ko, ‘gawa na tayong movie.’ Kasi gusto na rin nila eh. Siguro matutuloy na next year,” ani Ms. Annette.

Baka Bet Mo: Kontrata ni Carren Eistrup sa ‘Eat Bulaga’ hindi binili ng TVJ; Merlion Entertainment ipinakilala ang mga talent sa bonggang trade launch

“Yes, first co-production of movie ng Star Cinema and GMA. Wala pa (mga bibidang artista), pero parang iniisip namin, si Barbie, combined with one of their talents.”

Sa tanong kung anong feeling na naroon siya sa Dolphy Theater sa ABS-CBN para sa finale mediacon ng “Unbreak My Heart”, “Parang at home ako rito. Ang gaan kasing katrabaho ng ABS. Parang with this project, it is not just the business that was developed pero also a friendship kaya parang at home na rin ako rito.”

Ito na ang ikatlong pagpunta niya sa bakuran ng ABS-CBN, “Kasi nanood din ako ng Showtime rito. ‘Yung first time was the signing, the announcement of Unbreak My Heart tapos nanood ako ng Showtime, tapos ngayon so third time na.”


At nang tanungin si Ms. Annette kung anong support ang ibinibigay nila sa programang ipinalit sa “It’s Showtime” matapos suspendihin ng 12 araw ng MTRCB, ang “It’s Your Lucky Day”, “Well, pina-plug namin sa GTV and I think it’s a fun show, meron din tayong Sparkle artist na magiging halos mainstay for the run of It’s Your Lucky Day so excited ako na makita kung ano ‘yung show.”

Baka Bet Mo: Jodi sa viral kissing scene nila ni Joshua sa ‘Unbreak My Heart’ ng GMA at ABS-CBN: ‘Nagulat ang mga tao, na-surprise talaga sila!’

Sa huling buwan ng “Unbreak My Heart”, asahan ang sunud-sunod pang pasabog ng mga karakter nina Joshua Garcia,  Gabbi Garcia, Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Nikki Valdez, Sunshine Cruz, Jeremiah Lisbo at Bianca de Vera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Unbreak My Heart” airs on GMA Telebabad, Pinoy Hits, and I Heart Movies at 9:35 p.m. from Mondays to Thursdays, and 11:25 p.m. on GTV. It is also available on GMA Pinoy TV and TFC. It streams 48-hour advanced episodes on Viu and iWantTFC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending