Joshua ilang gabing umiiyak dahil sa matinding 'sepanx' sa pagtatapos ng 'Unbreak My Heart', nagpasalamat sa tulong ni Gabbi | Bandera

Joshua ilang gabing umiiyak dahil sa matinding ‘sepanx’ sa pagtatapos ng ‘Unbreak My Heart’, nagpasalamat sa tulong ni Gabbi

Ervin Santiago |October 16,2023
facebook
share this

Joshua ilang gabing umiiyak dahil sa matinding ‘sepanx’ sa pagtatapos ng ‘Unbreak My Heart’, nagpasalamat sa tulong ni Gabbi

Ervin Santiago - October 16, 2023 - 07:20 AM

Joshua ilang gabing umiiyak dahil sa matinding 'sepanx' sa pagtatapos ng 'Unbreak My Heart', nagpasalamat sa tulong ni Gabbi

Gabbi Garcia at Joshua Garcia

ILANG gabi ring umiiyak ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia dahil sa nararamdamang “sepanx” o separation anxiety sa pagtatapos ng “Unbreak My Heart.”

Isang buwan na lang at magtatapos na ang unang collaboration project ng ABS-CBN at GMA 7 with Viu Philippines kaya naman maraming manonood ang nalulungkot dahil siguradong mami-miss nila ang serye.

Yan din ang nararamdaman ni Joshua ngayon pati na ng buong cast at production ng “Unbreak My Heart”, kabilang na ang dalawang leading lady niyang sina Jodi Sta. Maria at Gabbi Garcia.

Ayon kay Joshua, abot-langit ang pasasalamat niya kay Gabbi na talagang all-out ang ibinigay na support sa kanya lalo na sa paghugot ng tamang emosyon at makaiyak sa mga intense at madrama nilang mga eksena.

Baka Bet Mo: Jodi, Richard, Gabbi, Joshua sa Switzerland magsu-shooting para sa first GMA-ABS-CBN collab na ‘Unbreak My Heart’

“Thank you Gabbi, thank you sa kind words. Ako with Gabbi, ang gaan lang ng pakiramdam ko with Gabbi. Gusto ko ‘yung presence niya kapag nasa taping kami na stressful ‘yung araw,” ang pahayag ni Joshua sa panayam ng “24 Oras.”

“And ang laki ng naitulong niya sa akin sa taping. Kapag nahirapan akong humugot ng emosyon ko.

“Kahit hindi niya kailangang umiyak lalapit siya sa akin, aalis muna siya roon sa blocking tapos lalapit siya sa akin, dadamayan niya ako hanggang sa makaiyak ako,” chika ng binata.

Kasunod nito, inamin nga ni Joshua na sa nalalapit na pagtatapos ng “Unbreak My Heart” ay may mga gabing naiiyak siya dahil sa matinding sepanx.

Baka Bet Mo: Jodi sa viral kissing scene nila ni Joshua sa ‘Unbreak My Heart’ ng GMA at ABS-CBN: ‘Nagulat ang mga tao, na-surprise talaga sila!’

Pahayag naman ni Gabbi patungkol kay Joshua, “We already built a relationship on and off cam with everybody so it’s a bittersweet moment.

“I’m really grateful that I’ve worked with a partner who is really generous, who is very kind. And I hope we can work again together in a project soon,” aniya pa.

“Very generous” kung i-describe ni Gabbi ang kanyang leading man, “Very open, very generous, palaging maraming pagkain na binibigay sa set. Lagi siyang may basket sa taping.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan ang huling apat na linggo ng “Unbreak My Heart” tuwing Lunes hanggang Huwebes ng 9:35 p.m. sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, at sa GTV ng 11:25 p.m.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending