Jodi sa viral kissing scene nila ni Joshua sa 'Unbreak My Heart' ng GMA at ABS-CBN: 'Nagulat ang mga tao, na-surprise talaga sila!' | Bandera

Jodi sa viral kissing scene nila ni Joshua sa ‘Unbreak My Heart’ ng GMA at ABS-CBN: ‘Nagulat ang mga tao, na-surprise talaga sila!’

Ervin Santiago - April 23, 2023 - 08:15 AM

Jodi sa viral kissing scene nila ni Joshua sa 'Unbreak My Heart' ng GMA at ABS-CBN: 'Nagulat ang mga tao, na-surprise talaga sila!'

Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria

BILIB na bilib ang award-winning Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa galing at professionalism ni Joshua Garcia bilang aktor.

Magkasama ang dalawa sa kontrobersyal na teleseryeng “Unbreak My Heart” na unang collaboration project ng ABS-CBN at GMA 7 kung saan bibida rin sina Richard Yap at Gabbi Garcia.

Kinunan ang nasabing proyekto sa ilang lugar sa Europe at ipalalabas sa GMA 7 ngayong 2023 at mapapapanood din sa 15 territories outside of the Philippines on Viu.

Kamakailan, nag-viral at talagang na-headline pa ang kissing scene nina Jodi at Joshua na ipinakita sa teaser ng “Unbreak My Heart.” Talagang pinag-usapan ito nang bonggang-bongga sa social media.

Pagkatapos kasi ng pinag-usapan ding halikan at “higupan” scene ni Joshua kasama si Janella Salvador at si Jane de Leon sa seryeng “Darna” heto’t si Jodi naman daw ang nilaplap ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)


Last Thursday, nagsalita na nga si Jodi tungkol sa viral kissing scene nila ni Joshua sa bago niyang serye na siguradong gagawa na naman ng kasaysayan sa mundo ng telebisyon.

“Nagulat ‘yung mga tao. Unexpected na gagawin nila pareho. Siyempre parang 20 years ‘yung age gap namin ni Joshua. Na-surprise talaga sila,” ang chika ng Kapamilya star.

Baka Bet Mo: Ruru bilib na bilib kay Kylie: Walang arte, walang reklamo…I will always care for you…

Kasunod nito, pinuri nga ni Jodi si Joshua dahil sa ipinakita nitong intense acting sa “Unbreak My Heart,” “Ibibigay niya kung ano ‘yung hinihingi sa kaniya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)


Kinumpirma rin ni Jodi na sumailalim sila ni Joshua sa isang sensuality workshop bago sila sumabak sa shooting ma ginawa nga sa Switzerland.

“Importante na hindi kayo lalabas du’n sa napag-usapan, kasi when you do scenes like that, kailangan ‘yung trust meron kayo sa isa’t isa.

“Magiging block mo ‘yun when it comes to getting into the scene and character,” dagdag pa ng aktres.

In fairness, sa trailer pa lang ay na-excite na ang mga manonood sa tema at konsepto ng “Unbreak My Heart” kaya naman ngayon pa lang ay abangers na ang mga Kapamilya at Kapuso all over the universe sa groundbreaking partnership ng GMA at ABS-CBN.

Jodi, Richard, Gabbi, Joshua sa Switzerland magsu-shooting para sa first GMA-ABS-CBN collab na ‘Unbreak My Heart’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bela bilib na bilib sa 2 leading man sa ‘366’: Si JC talagang ginalingan, hindi pa action, tumutulo na ang luha

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending