Ruru bilib na bilib kay Kylie: Walang arte, walang reklamo...I will always care for you... Bandera

Ruru bilib na bilib kay Kylie: Walang arte, walang reklamo…I will always care for you…

Ervin Santiago |January 23,2022
share this

Ruru bilib na bilib kay Kylie: Walang arte, walang reklamo…I will always care for you…

Ervin Santiago January 23, 2022 - 07:43 AM

Kylie Padilla at Ruru Madrid

INISA-ISA ng Kapuso hunk actor at singer na si Ruru Madrid ang mga qualities na nagustuhan niya sa estranged wife ni Aljur Abrenica na si Kylie Padilla.

Ayon sa binata, napakalaking impluwensiya ni Kylie sa kanyang showbiz career, lalo na pagdating sa improvement ng kanyang pag-arte.

Sa kanyang latest vlog, nakasama ni Ruru si Kylie na isa sa mga naging leading lady niya sa GMA at in fairness, napakarami nilang rebelasyon tungkol sa kanilang relasyon bilang espesyal na magkaibigan.

“Ang sobrang nagustuhan ko sa ‘yo (Kylie), parang wala kang arte. Never kitang nakitang umarte. Kapag sinabi ni direk, humiga ka sa sahig, hihiga ka. 

“Kapag minsan, inaabot na tayo ng umaga pero never kang nagreklamo,” sey ni Ruru patungkol sa aktres habang ginagawa ang reunion project nila sa GMA 7, ang “Regal Studios Presents: My Fairytale Hero.”

“Alam mo, pagod na ako noon, nagtatanong na ako ng breakdown kung ilang scenes pa ang gagawin tapos ikaw, sabi mo sa akin, at hindi ko yun makakalimutan, ‘Kahit madami pa. Gusto ko ‘yung ginagawa ko, eh.’ Sobrang natuwa ako sa ‘yo roon.

“Every time na nagkaka-work tayo, hindi pwedeng hindi mo ako ma-inspire sa kung paano ‘yong pagtatrabaho mo,” pahayag pa ng hunk actor.

Isa pa raw sa kapuri-puri kay Kylie ay ang pagiging professional nito noong nagkasama sila sa 2016 remake ng “Encantadia” dahil kahit napakahirap at nakakapagod ang mga mga eksena nila ay never siyang nagreklamo.

“Never kitang narinig na nagreklamo kahit pagod ka na. Ang dami nating fight scenes, ang dami mong iyakan scenes pero never ko narinig sa ‘yo na, ‘Uwi na tayo. Pagod na ako.’”

Sagot naman ni Kylie, “Ang saya ko lang na nandoon ako. Kahit pagod ako, ang saya. Gusto ko ‘yong buong process, feeling ko kasi lahat ng character na ginampanan ko, love na love ko. Mahal na mahal ko talaga sila so ibibigay ko lahat.”

Pagpapatuloy naman ni Ruru, “Malaking factor sa buhay natin ang isa’t isa. Kung ‘di dahil sa isa’t isa wala rin tayo sa kung nasaan tayo ngayon. Lagi kong sinasabi sa ‘yo na, ‘Ky, I will always care for you.’ Every time na may ginagawa tayo, pinapa-feel ko sa ‘yo kung gaano kita pinapangalagaan bilang leading lady at bilang kaibigan.”


Mas tumaas pa raw ang respeto at paghanga ng binata sa celebrity mom nang magbalik ito sa showbiz pagkatapos manganak sa panganay nila ni Aljur Abrenica.

“Kahit na dumating ka na sa point na nandoon ka na sa peak mo and then, may nangyari sa buhay mo na parang pakiramdam mo na bumalik ka na naman sa zero… bumabalik ka pa rin sa simula at doon ko nakita kung gaano mo ka-love ‘yong craft mo,” lahad ni Ruru.

Pagkatapos nilang magkasama noon sa “Encantadia”, nakagawa sila ng ilan pang teleserye tulad ng “The Cure”, “TODA One I Love” at ito ngang reunion project nilang “Regal Studios Presents: My Fairytale Hero.”

Ruru jackpot sa career at lovelife, puring-puri ni Rhea Tan: Napakasarap niyang katrabaho!

Ruru Madrid inatake ng depresyon, muntik nang mag-quit sa showbiz: 2021, it’s not a good year for me…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending