Bela bilib na bilib sa 2 leading man sa ‘366’: Si JC talagang ginalingan, hindi pa action, tumutulo na ang luha
IN fairness, may title na rin ngayon si Bela Padilla courtesy of Viva Entertainment — siya na ngayon ang tinaguriang Philippine Cinema’s Queen of Hearts.
Ito’y dahil daw sa mga pelikulang nagawa ng dalaga sa loob ng 15 years niya sa showbiz na talagang nagmarka at tumatak sa mga manonood.
Ilan nga sa mga pelikulang yan ay ang mga blockbuster hits ng Viva Films na “100 Tula Para kay Stella”, “Meet Me in St. Gallen” at “Of Vodka, Beers and Regrets” na punumpuno ng mga “hugot” lines.
At ngayon nga, malapit nang mapanood ng publiko ang pinakabago niyang Vivamax movie na “366” kung saan patutunayan niya ang kasabihang “there is life after a heartbreak.”
Si Bela ang lead actress dito kasama sina JC Santos at Zanjoe Marudo at siya rin ang sumulat ng kuwento at siya rin ang nagdirek. Bongga, di ba?
“My character here is so different from all the films I’ve done before kasi strong and spunky sila. E, dito sa ‘366’, as June, I play someone very fragile who needs love after she loses her boyfriend Pao, played by JC Santos. I find it so difficult to move on and Zanjoe Marudo as Marco volunteers to help me as a proxy boyfriend,” kuwento ni Bela sa virtual presscon ng “366”.
View this post on Instagram
Hindi naman masyadong nahirapan ang dalaga sa kanyang first directorial job, “Mas may room for me to play around thanks to my two leading men. Masaya kasi ang mga kaeksena ko, ang ganda ng energy na binibigay nila in every scene kaya napakadali ng trabaho namin.
“But ‘yung first scene sa first shooting day, kabado ako. Buti si Zanjoe lang ang nasa unang eksena and may on an off button sa isip ko. Dito, director at artista ka, dito, director ka lang.
“May kaunti pang struggle to separate those two hats but it’s good my assistant director is napakagaling din, and with direk Irene Villamor also helping us as creative producer, alam niya kunsaan ko gusto dalhin ang bawat eksena,” paliwanag ng aktres.
Todo naman ang pasasalamat niya kina JC at Zanjoe dahil pinagaan ng mga ito ang tatlong trabaho niya, “I’m very grateful to both of them kasi they’re very professional and so easy to work with. Pareho kaming tatlo na easy going lang, so madali kaming magtrabaho.
“I’m comfortable with them and I trust them so much. Alam kong maasahan ko sila, so when Viva told me na sila ang makakatrabaho ko, I’m so happy kasi I know they’ll do well for a first time director like me,” dugtong ni Bela.
“I really want to thank these two guys for supporting me in my directorial debut. I last worked with Zanjoe in 2017 so I reached out to him. I texted him to check if he’d have any suggestion or ideas about the script na gusto niyang palitan.
“I want it kasi to be collaborative and I don’t want any negative vibes on the set. Si JC naman, masyado niyang ginalingan, hindi pa action, tumutulo na ang luha niya. Game na game siya,” sey pa ni Bela.
Sa tanong kung naranasan na rin ba niya ang nangyari sa karakter niya sa movie, “I’ve experienced pain pero hindi kasinglalim ng pinagdaanan niya. I’ve never personally experienced this kind of grief in real life and I’m hoping na sana, makatulong itong ‘366’ to help ease the pain of anyone na may bitbit na anumang pain when they watch the movie.’’
Pero bakit nga ba “366” ang title ng movie? “It is set kasi in a leap year kaya 366. I’m just amazed at the concept of having an extra day in a leap year. The movie is a labor of love for me and my co-stars.
“We shot some scenes in Turkey with cinematographer Pao Orendain capturing the beauty of the place. The film is a joint effort of many talents and I felt the universe is always conspiring to give us the best possible options while we’re filming it, sa locations and even the people we work with,” kuwento ni Bela.
Mapapanood na ang “366” sa April 13 sa Vivamax Plus at April 15 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Canada, the USA, the Middle East and Europe.
https://bandera.inquirer.net/306536/bela-padilla-norman-bay-masayang-nag-celebrate-ng-2nd-anniversary-you-make-my-days-brighter
https://bandera.inquirer.net/309682/bela-padilla-walang-awkwardness-na-naramdaman-kay-zanjoe-sa-366-i-already-got-passed-that-stage
https://bandera.inquirer.net/309927/zanjoe-bilib-na-bilib-kay-bela-bilang-aktres-writer-at-direktor-sana-makuha-ko-yung-tapang-paninindigan-niya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.