Jodi, Richard, Gabbi, Joshua sa Switzerland magsu-shooting para sa first GMA-ABS-CBN collab na 'Unbreak My Heart' | Bandera

Jodi, Richard, Gabbi, Joshua sa Switzerland magsu-shooting para sa first GMA-ABS-CBN collab na ‘Unbreak My Heart’

Ervin Santiago |January 30,2023
facebook
share this

Jodi, Richard, Gabbi, Joshua sa Switzerland magsu-shooting para sa first GMA-ABS-CBN collab na ‘Unbreak My Heart’

Ervin Santiago - January 30, 2023 - 11:43 AM

Jodi, Richard, Gabbi, Joshua sa Switzerland magsu-shooting para sa first GMA-ABS-CBN collab na 'Unbreak My Heart'

Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Jodi Sta. Maria at Richard Yap

NAG-START na ang shooting ng kauna-unahang collaboration ng GMA Network at ABS-CBN, ang pinag-uusapan na ngayong teleserye na “Unbreak My Heart.”

Bibida rito ang mga Kapamilya stars na sina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia at ang mga Kapuso Sparkle artista na sina Richard Yap at Gabbi Garcia.

Actually, ilang beses nang nagkatrabaho sina Jodi at Richard noong nasa ABS-CBN pa sila pero magkaiba na nga sila ngayon ng network dahil nasa GMA na nga ang aktor.

Sabi nina Jodi at Richard, kahit nasa magkaibang istasyon na sila at matagal-tagal nang hindi nagkasama sa trabaho, kumportable pa rin sila sa isa’t isa at excited na nga sila sa bago nilang project.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph)


“We are so at home with each other, it’s just the character that changes. I think this is something that will tickle their fancy because maganda ‘yung story, it’s very heart warming also tumatagos talaga sa puso ‘yung storya na ito, I’m sure the fans will like it,” pahayag ni Richard sa panayam ng ABS-CBN.

“Pinaghandaan namin ito, ang dami-daming character discussions and meeting na ginawa para mas mapaganda yung mga characters, takbo ng storya,” sey naman ni Jodi.

Ito naman ang unang pagkakataon na magtatambal sina Gabbi at Joshua. Sabi ni Gabbi, “Ang dami-raming paikot-ikot na mangyayari sa show na ito and I’m excited for the viewers to see it, iba lahat.”

Sabi naman ni Joshua, ito ang unang pagkakataong mapapalaban siya sa isang mature role, “Exciting talaga lalo na ito, first day actually ito parang warm-up pa lang namin ni Gabbi, ibang-iba talaga sa mga nagawa ko before sobrang mature role na siya para sa akin.”

Ang “Unbreak My Heart” ay mula sa ABS-CBN creative unit na Dreamscape Entertainment na siya ring nag-produce ng “Ang Probinsyano,” “The Broken Marriage Vow,” at ang umeere na ngayong “Dirty Linen.”

Sabi pa ni Richard sa makasaysayang collab ng GMA at ABS-CBN, “It’s for the good of both networks, it works for the good of artists ng 2 kampo so this will open up a lot of possibilities and lots of opportunities for everyone.”

Chika naman ni Jodi, “I also pray that this project would be the first of many projects na pagsasamahan ng GMA and ABS-CBN, at the end of the day s’yempre, we are all at the service of our audiences and para sa inyong lahat nito.”

“Simula pa lang nu’ng unang ni-release namin itong show na ito maraming maraming salamat sa suporta ninyo,” ani Joshua.

“Napakalaking proyekto po nito lahat po kami pinaghahandaan nang matindi itong proyektong ito sana po suportahan po ninyo ito na ang chance natin na mawala ang network wars,” ang pahayag naman ni Gabbi.

Nakatakda ring lumipad patungong Switzerland ang cast and production anytime soon kung saan kukunan ang ilang highlights ng serye na mapapanood na rin ngayong 2023 sa GMA at sa 15 iba pang bansa sa video streaming service ng Viu.

Jodi, Richard, Joshua, Gabbi maswerteng napili para sa unang pagsasanib-pwersa ng GMA at ABS-CBN

Ivana pass kay Marco pero game kay Joshua

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heart Evangelista ‘inisnab’ sina Vicki Belo at Alex Gonzaga sa Milan Fashion Week: ‘Ano ‘to Mars? Sa Manila magkakaibigan tayo!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending