Heart Evangelista 'inisnab' sina Vicki Belo at Alex Gonzaga sa Milan Fashion Week: 'Ano ‘to Mars? Sa Manila magkakaibigan tayo!' Bandera

Heart Evangelista ‘inisnab’ sina Vicki Belo at Alex Gonzaga sa Milan Fashion Week: ‘Ano ‘to Mars? Sa Manila magkakaibigan tayo!’

Ervin Santiago |November 15,2022
share this

Heart Evangelista ‘inisnab’ sina Vicki Belo at Alex Gonzaga sa Milan Fashion Week: ‘Ano ‘to Mars? Sa Manila magkakaibigan tayo!’

Ervin Santiago - November 15, 2022 - 09:06 AM
Heart Evangelista 'inisnab' sina Vicki Belo at Alex Gonzaga sa Milan Fashion Week: 'Ano ‘to Mars? Sa Manila magkakaibigan tayo!'

Heart Evangelista, Alex Gonzaga at Vicki Belo

“NILAGLAG” nina Vicki Belo at Alex Gonzaga ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista sa kanilang latest YouTube vlog collab.

Napagtripan nina Vicki at Alex ang aktres nang mapag-usapan nila ang tungkol sa mga kaganapan at kalokahan noong um-attend sila sa Milan Fashion Week kamakailan.

Nitong nagdaang Biyernes, November 11 in-upload ang nasabing video sa YT channel ni Vicki at dito nga nila napagchikahan ang mga pinaggagawa nila sa sosyaling fashion event sa Italy.

Natanong ng celebrity doctor si Alex kung ano ang feeling nang magkasama silang rumampa sa Milan Fashion Week na talagang inaabangan ng mga fashionista na “alta”.

Sey ni Alex feeling honored siya nang imbitahan ng asawa ni Hayden Kho para samahan siya sa Milan hindi lamang para rumampa sa naturang fashion event kundi makalibot din sa mga tourist destinations doon.

Sa isang bahagi ng vlog biglang nabanggit ni Alex ang pangalan ni Heart nang mapag-usapan nila ang mga celebrities na gumagawa ng pangalan sa larangan ng fashion sa iba’t ibang bansa.

Kasunod nito, naalala ni Vicki Belo ang “pangdededma” raw sa kanila ni Heart nang magkasama-sama sila sa Milan fashion show.

“Pero hindi tayo pinansin ni Heart (sa fashion event). Hoy Heart!” ang natatawang birohg paninita ni Vicki sa kontrobersyal na aktres.

Hirit naman ni Alex sa Kapuso star, “Oy ano ‘to mars? Sa Manila magkakaibigan tayo. Mars, nanood ako ng ‘Luna Mystika,’ mars. Nanood ako ng Hiram!”

Ang tinutukoy ni Alex ay ang mga teleserye noon ni Heart sa ABS-CBN.

“Mars, we’re on the same fashion show hindi ka man lang nag-‘hi.’ ‘Di ba nandoon kami sa Gucci, front row din tayo ‘di ba (Alex)?” ang birong panunumbat naman ni Vicki kay Alex.

Matatadaang noong 2019, ay nagkaroon din ng collab sina Alex at Heart sa YouTube kung saan inikot ng sister ni Toni Gonzaga ang office ni Sen. Chiz Escudero.

Dito nabanggit ni Alex na matagal na silang close ni Heart dahil nagkasama na sila noon sa ABS-CBN teleserye na “Pangarap na Bituin” na umere noong 2007.

Alex Gonzaga dinedma-dedma ng mga photog sa Milan Fashion Week 2022: Please, please! Pansinin n’yo na ‘ko guys!

Heart nagtagumpay dahil sa nagpakatotoo: Kikay talaga ako at may narating ang pagkakikay ko

Heart ‘tiis-ganda’ sa Paris Fashion Week 2022: Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending