Heart 'tiis-ganda' sa Paris Fashion Week 2022: Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya! | Bandera

Heart ‘tiis-ganda’ sa Paris Fashion Week 2022: Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya!

Ervin Santiago |February 01,2022
facebook
share this

Heart ‘tiis-ganda’ sa Paris Fashion Week 2022: Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya!

Ervin Santiago - February 01, 2022 - 07:40 AM

Heart Evangelista

BENTANG-BENTA na naman sa mga netizens ang bagong TikTok video ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista.

Dito, ipinakita ng aktres kung ano talaga ang tunay na nangyayari sa likod ng kanyang mga photo shoot lalo na kapag nakakaramdam na siya ng pagod at stress.

Nitong mga nakaraang araw, muling nang-agaw ng eksena ang misis ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero nang “rumampa” siya nang bonggang-bongga sa Paris Fashion Week 2022.

Pinusuan, ni-like at kinainggitan ng marami ang Kapuso star nang bumandera sa social media ang mga litrato niya kasama ang renowned French fashion designer na si Christian Louboutin at ang Hermès executive na si Michael Coste.

Nagkaroon din sila ng mini-reunion doon ng mga kaibigang sina Solenn Heussaff at Anne Curtis.

Bukod dito, talagang pose kung pose ang aktres suot ang kanyang mga designer OOTD sa gitna ng napakalamig na weather sa Paris, France. 

At sa isa nga niyang TikTok video, ipinasilip ni Heart ang mga nakakalokang BTS (behind-the-scenes) sa isa niyang photo shoot with her all black ensemble.

Suot niya sa litrato ang kanyang black thigh-high boots at black mini dress with puffed sleeves at low-cut v-neck habang nasa background niya ang Eiffel Tower.

View this post on Instagram

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Sa isang bahagi ng video, maririnig ang aktres na nagda-dialogue ng, “Hindi ko na kaya… hindi ko na kaya” hanggang sa bigla na siyang tumakbo palayo sa frame ng camera.

Ang nakalagay sa kanyang caption, “Tiis ganda.” Na ang tinutukoy nga ay ang ginagawa niyang effort para lang ma-perfect ang kanyang pose para sa bonggang photos.

Sabi nga ng isa niyang TikTok follower, “This proves even an artist or icon can be like us sometimes: tiis ganda.”

Sa isa pa niyang TikTok video, ipinakita naman ni Heart ang kanyang galing sa pag-i-style sa kanyang sarili, mula sa pag-aayos ng buhok hanggang sa paglalagay ng makeup. 

“Sariling sikarp for the win–luto, impake, styling hair, and makeup! Wohooo!” ang sabi pa ni Heart.

Nakabalik na sa Pilipinas ang Kapuso actress mula sa Paris ngunit sa ngayon ay wala pa siyang ibinabalita kung anu-ano naman ang susunod niyang pasabog pagdating sa kanyang career.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inaasahan naman ng lahat na tutulong siya sa kampanya ng asawang si Chiz na tumatakbo uling senador para sa 2022 elections.

B-day message ni Heart kay Chiz: Mawala na lahat wag lang ikaw, mahal na mahal kita darleeeeng!

Heart inirampa ang swimsuit na nagkakahalaga ng P40K; nagpapatayo na ng beauty company

KC suko na sa paghahanap ng lovelife sa Paris?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending