Ivana pass kay Marco pero game kay Joshua | Bandera

Ivana pass kay Marco pero game kay Joshua

Therese Arceo |November 10,2021
facebook
share this

Ivana pass kay Marco pero game kay Joshua

Therese Arceo - November 10, 2021 - 09:34 AM

Ivana pass kay Marco pero game kay Joshua

MAY samaan ng loob kaya sa pagitan nina Marco Gumabao at Ivana Alawi?

Ito ang tanong sa isipan namin habang pinapanood ang kanyang latest vlog sa YouTube na “Pass or Collab”.

Sa nasabing vlog ay namili ang kapatid ni Ivana na sina Mona ng mga vloggers at celebrities at sasabihin ni Ivana kung pass siya na makasama ang mga ito sa vlog o collab kung game siya na makasama ito sa vlog.

“Hindi naman sa ayaw mo sila but like maybe hindi tugma sa content,” pagpapaliwanag ni Mona.

Nang mag-umpisa ay collab agad ang mga naging sagot ni Ivana kina Bretman Rock, Ranz and Niana, Paulo Avelino, Vice Ganda at Michelle Dy.

Ang sumunod na tanong naman ay kung pass or collab kay Joshua Garcia.

“Maya-maya. Wag naman agad,” saad ni Ivana.

“Ngayon na ‘yun. Wala kang choice. Ako ‘yung nagtatanong dito,” sagot naman ni Mona.

“Collab?” muling tanong nito.

“Tinatanong pa ba yan? Oo, collab,” saad ni Ivana na tila pinipigilan ang ngiti.

Agad naman siyang inasar ng kapatid.

“Ganda ng ngiti mo dyan, a?” pangangantyaw ni Mona.

“Wag ka na nga don. Go na,” sabi ni Ivana na di mo alam kung naiinis ba na kinikilig.

Ilang vloggers at celebrities pa ang nababggit ni Mona gaya nina Heart Evangelista, Catriona Gray, JaMill, at Kathryn Bernardo.

Ngunit nang tanungin na kung pass or collab kay Marco Gumabao ay naging mabilis ang sagot ni Ivana.

“Pass,” walang emosyong sagot ng dalaga.

Mukhang gets na ni Mona ang naging reaksyon ng ate niya kaya hindi na ito nag-usisa pa at nagpatuloy na lang sa pagsasabi ng iba pang celebrities.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Ano kaya ang nangyari at bakit napa-pass si Ivana?

Ito kaya ay may kaugnayan sa kamakailang isyu patungkol sa diumano’y relasyon ng dalawa?

Matatandaang nag-trending sina Ivana at Marco nang kumalat ang video nila na nagvi-videoke kasama ang kanilang mga kaibigan.

Mabilis naman na nakapaghalungkat ang mga netizens at nabalikan rin ang litrato ni Marco na nasa pool at may hawak na wine na kuha ng aktres.

Ilang araw matapos mag-viral ay nagsalita naman ang dalawa at nilinaw na walang namamagitang espesyal sa kanilang dalawa.

Anyway, mukha namang nabuhayan ang mga JoshVana (Joshua and Ivana) supporters at marami ang nag-request ng magiging content ng dalawa na “24 hours magdyowa challenge”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana ay matuloy ito at paniguradong mas kikiligin ang mga taga-subaybay nina Ivana at Joshua lalo pa’t vocal ang dalaga na crush niya ang aktor.

Wala ring masama dahil parehas naman silang single at marami rin naman ang nagsasabing bagay ang dalawa.

Related Chika:
Ivana handang ubusin ang pera para gumaling ang kapatid: Umiiyak na lang ako, sabi ko ‘Mona, lumaban ka!’
Ivana dumaan din sa matinding hirap: May time na wala akong raket kasi pangit ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending