Barbie Forteza shookt sa pa-nipples ni David Licauco sa 'Maging Sino Ka Man': 'Kasi akala ko wholesome na siya ngayon!' | Bandera

Barbie Forteza shookt sa pa-nipples ni David Licauco sa ‘Maging Sino Ka Man’: ‘Kasi akala ko wholesome na siya ngayon!’

Ervin Santiago |September 19,2023
facebook
share this

Barbie Forteza shookt sa pa-nipples ni David Licauco sa ‘Maging Sino Ka Man’: ‘Kasi akala ko wholesome na siya ngayon!’

Ervin Santiago - September 19, 2023 - 06:30 AM

Barbie Forteza shookt sa pa-nipples ni David Licauco sa 'Maging Sino Ka Man': 'Kasi akala ko wholesome na siya ngayon!'

Barbie Forteza at David Licauco

HABANG tumatagal ay mas lalo pang nakikilala ng Kapuso loveteam na sina Barbie Forteza at David Licauco ang ugali at personalidad ng isa’t isa.

In fairness, patuloy na humahataw ngayon sa ratings game ang bago nilang primetime series sa GMA 7 na “Maging Sino Ka Man”, patunay lamang na talagang may love na love sila ng Kapuso viewers.

Pero knows n’yo ba na kahit matagal silang nagkasama sa last series nilang “Maria Clara At Ibarra” ay marami pa rin silang nadi-discover sa bawat isa?

Chika ni Barbie sa grand presscon ng “Maging Sino Ka Man” kamakailan, “Ever since pala kasi na magkatrabaho kami, never siyang nagtsinelas!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“So dito sa Maging Sino Ka Man, since lagi siyang nakatsinelas, nu’n ko lang nakita yung mga paa niya. Ang cute pala ng daliri niya sa paa. Malinis!” ang laugh nang laugh na pambubuking ni Barbie kay David.

Sa trailer ng kanilang bagong serye ay may eksenang nakahubad si David bilang si Carding. Nang mapanood ito ni Barbie na gumaganap namang Monique, ay talagang napatili siya.

Kaya naman natanong siya kung bakit siya napasigaw sa topless scene ng kanyang leading man, “Nagulat ako! Kasi akala ko wholesome na siya ngayon, nagulat ako, may nakita akong nipples. Ha-hahahaha!

Baka Bet Mo: Barbie Forteza, David Licauco masyado na raw OA, sey ng faney: Ang cringe talaga ng fan service

Patuloy niyang paliwanag, “Okay naman siya, inalagaan naman yung shot, nagulat lang talaga ako.

“I guess isa yun sa magpapatunay na we will be seeing more of a fearless David in this project. Talagang binigay na niya lahat, so marami tayong aabangan sa kanya,” esplika ng dalaga.

Dagdag pang chika ng Kapuso Primetime Drama Princess, hindi raw niya nakitang nakahubad si David nang kunan ang nasabing eksena, “Sa kasamaang-palad po. Ha-hahaha!

“Actually wala nga ako sa eksenang yun, e, so hindi ko alam na may ganu’ng eksena,” aniya pa.

Sey pa ni Barbie, hindi naman daw ugali ni David na maghubad sa set lalo na kapag kaharap siya, “Ay, hindi, very ano po siya, prim and proper po talaga.”

Samantala, puring-puri naman ng veteran actor at magaling na kontrabida na si ER Ejercito sina Barbie at David na inihalintulad pa niya sa loveteam noon nina Nora Aunor at Tirso Cruz III na Guy and Pip. Pwede rin daw maging next Ate Guy at Vilma Santos si Barbie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang reaksiyon ni Barbie, “Grabe naman po yun, Gov. Paano ko ba sasagutin ito? Naku po, dalawa po yun sa pinakainiidolo ko po sa industriya natin, so siguro po nagpapasalamat na lang po ako.

“Sa isang very iconic actor like gov na mapansin po yung trabaho ko is such a fulfilling moment for me. Enough na po yun, masyadong na pong mataas ang Ms. Nora at Ms. Vilma.

“I’m just happy na some of our respected actors today ay napapansin ang trabaho natin, yun na lang po, maraming salamat po,” ang sabi pa ni Barbie kay ER na gumaganap bilang Boss Frank sa “Maging Sino Ka Man.”

Napapanood ang serye ng BarDa sa GMA Telebabad, 8 p.m. at 9:40 p.m. naman sa GTV.

David Licauco hindi pa handang magpakasal kaya nagkahiwalay ng dating dyowa; iniyakan ang ex-GF na taga-ABS-CBN

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie sa mga nagsi-ship sa kanila ni David: ‘Yung personal lives namin outside this loveteam are off-limits, hindi po siya kasama sa trabaho’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending