David Licauco planong magpaopera pagkatapos ng 'Maging Sino Ka Man': 'Akala ng mga tao suplado ako, pero may napi-feel kasi akong bigat' | Bandera

David Licauco planong magpaopera pagkatapos ng ‘Maging Sino Ka Man’: ‘Akala ng mga tao suplado ako, pero may napi-feel kasi akong bigat’

Ervin Santiago |September 18,2023
facebook
share this

David Licauco planong magpaopera pagkatapos ng ‘Maging Sino Ka Man’: ‘Akala ng mga tao suplado ako, pero may napi-feel kasi akong bigat’

Ervin Santiago - September 18, 2023 - 07:05 AM

David Licauco planong magpaopera pagkatapos ng 'Maging Sino Ka Man': 'Akala ng mga tao suplado ako, pero may napi-feel kasi akong bigat'

David Licauco

NAG-EXPLAIN ang Kapuso hunk actor na si David Licauco kung bakit may mga pagkakataong inaakala ng ibang tao na suplado at isnabero siya tunay na buhay.

Paliwanag ng binata, ang pagiging tahimik daw niya ay may kinalaman sa sa kanyang health condition na tinatawag na “sleep apnea.”

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang “sleep apnea” ay isang sleep disorder na tumitigil kung minsan ang paghinga ng taong meron nito habang siya’y natutulog.

Sabi ni David, plano na raw niyang magpaopera dahil sa kanyang kondisyon pagkatapos ng primetime series nila ni Barbie Forteza sa GMA 7 na “Maging Sino Ka Man.”

Kuwento ni David sa interview ng “24 Oras” nitong nagdaang Biyernes, na-diagnose siya ng sleep apnea noong 16 years old pa lang siya.

Baka Bet Mo: David Licauco wish makatrabaho sina Kathryn at Daniel: ‘Pinanood ko mga movies nila, kinikilig talaga ako sa kanila’

“Gusto ko nang magpaopera after this show, so hopefully I find the time na magawa ko ‘yun kasi I think sleep is the best gift by God,” pahayag ng binata na tinaguriang Pambansang Ginoo dahil sa role niya sa GMA series na “Maria Clara at Ibarra” kung saan sumikat ang tambalan nila ni Barbie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kasunod nito, nabanggit nga niya na napagkakamalan daw siyang suplado ng ilang fans ngunit ipinaliwanag ni David na may konek ito sa kanyang kondisyon.

“I tend to be, parang iniisip ng mga tao na mataray ako, suplado, but actually may napi-feel kasi ako sa umaga na bigat eh, so parang wala ka sa mood, so I had to work out,” pahayag pa ng aktor.

Nauna rito, ibinalita na rin ni David last June, 2023 ang pagkakaroon ng sleep apnea na siya ring nagiging dahilan ng pagiging late niya kung minsan sa taping ng kanyang mga projects.

“My breathing stops for like mga 30 seconds straight, 24 times in an hour. So, all throughout the night, hirap ako eh. So stressed ako. So paggising ko sa umaga, I’m stressed also,” aniya.

Anyway, puring-puri na naman ng mga manonood sina Barbie at David sa bago nilang serye na “Maging Sino Ka Man” na TV remake ng blockbuster movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.

Ka-join din ng tambalang BarDa sa nasabing programa sina Jean Garcia, Faith da Silva, Rain Matienzo, Mikoy Morales, Juancho Triviño, Jeric Raval, E.R. Ejercito at Jean Saburit.

Bakit nga kaya suplado at isnabero ang unang tingin ng mga tao kay Xian Lim?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#GirlsLove: Poster ng LGBTQ series nina Janine at Lovi na ‘Sleep With Me’ pinusuan ng netizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending