Barbie Forteza hindi nag-iilusyon na magiging next Sharon Cuneta: 'Wala naman talagang makakapantay sa ating Megastar!' | Bandera

Barbie Forteza hindi nag-iilusyon na magiging next Sharon Cuneta: ‘Wala naman talagang makakapantay sa ating Megastar!’

Ervin Santiago |September 07,2023
facebook
share this

Barbie Forteza hindi nag-iilusyon na magiging next Sharon Cuneta: ‘Wala naman talagang makakapantay sa ating Megastar!’

Ervin Santiago - September 07, 2023 - 07:54 AM

Barbie Forteza hindi nag-iilusyon na magiging next Sharon Cuneta: 'Wala naman talagang makakapantay sa ating Megastar!'

Sharon Cuneta at Barbie Forteza

AMINADO ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza na hinding-hindi niya mapapantayan ang galing ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.

Inaasahan na ni Barbie ang pagkukumpara sa kanya kay Sharon kapag ipinalabas na ang TV remake ng blockbuster movie na “Maging Sino Ka Man,” na pagbibidahan nila ni David Licauco.

Sina Mega at Robin Padilla ang bumida sa naturang pelikula mula sa Viva Films na talaga namang tumabo sa takilya nang bonggang-bongga.

Sa interview kay Barbie ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Martes, ibang-iba raw ang atakeng ginawa niya sa movie bilang si Monique, sa napanood ng publiko sa “Maging Sino Ka Man” nina Sharon at Robin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi naman po siya conscious effort na ibahin, kasi definitely iba po talaga ‘yung magagawa ko dahil wala naman talagang makakapantay sa ating Megastar,” paliwanag ni Barbie kasabay ng pagkumpirma na certified Sharonian ang kanyang nanay.

Pagpapatuloy pa ng leading lady ni David, “So, ako na lang po siguro, pressure on my part na hindi nila makita si ‘Klay’ (karakter niya sa hit Kapuso series na Maria Clara at Ibarra).”

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta dinedma daw ng ABS-CBN young artists: Parang ‘yung dinaanan nila poste lang

“Hindi dahil sa para ma-compare roon sa original, kasi walang taong magko-compare, hindi siya ka-compare compare,” chika pa ng Kapuso actress.

Kuwento pa ni Barbie, talagang pinaghandaan niya ang kanyang role, at talagang naglaan ng panahon para panoorin ang pelikula nina Sharon at Robin na ipinalabas sa mga sinehan noong 1991.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pinanood ko po ‘yung pelikula, hindi dahil pressured ako, kundi dahil kasi gusto ko siyang mapanood kasi hindi ko siya time, eh.

“So I really loved the film! Sobrang nakakatawa sina Mr. Dennis Padilla, si Senator Robin, tapos iba ‘yung presence talaga ng ating Megastar doon sa pelikula,” sey pa ni Barbie.

Nauna rito, pinuri ni Barbie ang performance ni David sa bago nilang serye na gaganap naman bilang Carding, na ginampanan nga ni Robin sa movie version.

Barbie Forteza pinapili kung love o career, netizens bumilib sa sagot

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Basher tinalakan ni Sharon: Marunong akong kumanta, sumayaw, umarte at nagpayaman ng producers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending