Barbie ‘naumay’ na kung nagseselos si Jak kay David

Barbie Forteza ‘naumay’ na sa paulit-ulit na tanong kung nagseselos si Jak Roberto kay David Licauco

Pauline del Rosario - September 03, 2023 - 12:02 PM

Barbie Forteza ‘naumay’ na sa paulit-ulit na tanong kung nagseselos si Jak Roberto kay David Licauco

Jak Roberto, Barbie Forteza, David Licauco

DIRETSAHAN nang inamin ng Kapuso actress na si Barbie Forteza na napapagod na siyang sagutin ang paulit-ulit na tanong sa kanya ng madlang pipol.

Ito ay kung nagseselos nga ba ang kanyang boyfriend na si Jak Roberto sa katambal niyang Kapuso hunk na si David Licauco.

Giit ni Barbie matapos kuyugin ng ilang entertainment press sa isang presscon, hindi talaga nagseselos ang kanyang boyfriend.

“Wala talaga. Sorry ha? Kasi, parang ever since nag-pick-up ang BarDa, sumikat ang BarDa, it has always been the question – kung nagseselos ba. Hindi nga!” sey niya.

Nakiusap rin ang aktres na tigilan na ang mga ganitong klaseng pangungulit dahil walang magbabago sa kanyang sagot.

“So can we stop? Parang napapagod na akong sumagot,” sambit ng aktres.

Patuloy niya, “Hindi ko na alam kung paano iibahin ‘yung wording, ‘di ba, para iba naman sa video na ‘to, iba naman sa video na ‘to. Kasi, parang laging ‘yun ‘yung tanong, eh wala nga at all.”

Baka Bet Mo: Barbie shookt sa chikang hiwalay na sila ni Jak: Dyusko! Tatawagan ko, inform ko siya agad para alam niya!

“‘Yung selos, wala talaga. Diyos ko, parehas kaming aktor. Alam na namin ‘yan,” paliwanag pa niya.

Nabanggit din ni Barbie na hindi niya binibigyan ng dahilan upang ma-insecure si Jak sa loveteam nila ni David.

“I think, ‘yung insecurity naman kasi ng isang lalaki towards another guy na laging kasama ‘nung girl ay magre-reflect sa kung papaano ‘yung girl. How she is as a woman,” saad niya.

Ani pa ng aktres, “And so kung hindi insecure si Jak, kumbaga, rest assured na wala naman akong ginagawa rin.”

“So, alam mo ‘yun, it only speaks volume of how I am as a woman, how I treat my work, how serious I am with my work and kung hanggang saan lang ang work,” sambit niya.

Magugunitang sinagot na rin noon ni Jak ang kumakalat na isyu sa pagitan nila ni David.

Ayon sa kanya, hindi siya naaapektuhan ng mga pangnenega ng mga fans kahit may mga nagsasabi na sana’y maghiwalay na sila ng Kapuso actress para magkaroon ng chance na magkatuluyan sa tunay na buhay sina Barbie at David.

Sey ni Jak, “No, I’m not annoyed, mas nalulungkot ako kasi yung ibang fans parang sobrang pinepersonal ang comments nila. Minsan, hindi na maganda yung mga salitang pino-post nila.”

“Siyempre, inuunawa ko na lang po na kinikilig sila sa BarDa loveteam, pero sana maintindihan din nila na trabaho lang po ‘yun at iba ang trabaho sa personal na buhay ng mga artista,” depensa ni Jak nang makachikahan ng ilang members ng entertainment press sa online mediacon ng “The Missing Husband.”

Sa katunayan nga rin daw ay all-out support siya sa loveteam ng kanyang girlfriend at ng Kapuso hunk.

Matapos mag-click ang loveteam na BarDa ay muli silang magtatambal sa bagong teleserye na “Maging Sino Ka Man,” ang remake ng hit movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.

Makakasama nina Barbie at David sa bagong proyekto sina Juancho Trivino, Faith da Silva, Mikoy Morales, Rain Matienzo, ER Ejercito, Jeric Raval, Jean Saburit, Juan Rodrigo, Antonio Aquitania at Jean Garcia.

Mapapanood ang teleserye sa September 11, 8 p.m., sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. naman sa GTV.

Related Chika:

Kakai Bautista hiwalay agad kapag paulit-ulit na ang isyu sa karelasyon, may lalaking sinabihan ng, ‘Lumuhod ka sa harapan ko’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie sa pagmo-motor ni Jak: Sasabihin niya, ‘Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam,’ kaya ginagawa niya muna tapos nagso-sorry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending