Kakai Bautista hiwalay agad kapag paulit-ulit na ang isyu sa karelasyon, may lalaking sinabihan ng, 'Lumuhod ka sa harapan ko' | Bandera

Kakai Bautista hiwalay agad kapag paulit-ulit na ang isyu sa karelasyon, may lalaking sinabihan ng, ‘Lumuhod ka sa harapan ko’

Ervin Santiago - June 25, 2023 - 07:25 AM

Kakai Bautista hiwalay agad kapag paulit-ulit na ang isyu sa karelasyon, may lalaking sinabihan ng, 'Lumuhod ka sa harapan ko'

Cai Cortez at Kakai Bautista

HUWAG masyadong maging martir pagdating sa usaping pag-ibig – yan ang advice ng Kapuso comedienne na si Kakai Bautista sa lahat ng mga may dyowa.

Ayon sa komedyana at singer, single pa rin siya hanggang ngayon at nag-eenjoy naman daw siya sa kanyang buhay kahit wala siyang boyfriend.

Maraming rebelasyon si Kakai nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa “Fast Talk” last June 21 kung saan nakasama rin niya ang kaibigan at kapwa comedienne na si Cai Cortez.

At isa nga sa mga naitanong ni Tito Boy Abunda kina Kakai at Cai ay, “Kaya mo bang mabuhay ng walang lalaki?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Mabilis na sagot ni Kakai, “Sa ngayon, oo. Wala namang nabubuhay ng walang kasama, but I choose to be single sa phase ng buhay ko na ito ngayon.

“I’m just enjoying being on my own, no distraction. Kasi, Tito Boy, late na ako nag-start mag-enjoy sa buhay. Gusto ko na munang namnamin ‘yun,” aniya.

Sabi pa ng dalaga, feeling niya kapag  dumating na yung tamang lalaki para sa kanya ay handa na siyang bigyan ito ng panahon dahil nabigyan niya na ang sarili ng self-love.

Sunod na tanong ni Tito Boy, “Ano ang pinakaimportanteng leksyon na natutunan niyo sa mga lalaki?” Sagot ni Kakai, “May nagsabi sa akin na friend ko noon na, “You’re not in love, you’re just in love with the thought of being in love.”

Baka Bet Mo: Kakai Bautista: ‘Wag kang mag-anak kung hindi mo kayang buhayin

“I think siguro, a few men, I was really in love with some men. Pero siguro ‘yung iba naisip ko masarap lang na may kausap.

“Sa mga past ko na non-showbiz ang laging nagiging problema, hindi ko kayang ipagpalit ‘yung trabaho ko. Hindi ko mahati ‘yung time ko with love and work. Kapag sa work ko and friends ko, una talaga sila,” sabi pa ng komedyana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝑲𝒂𝒌𝒂𝒊 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@ilovekaye)


Mas gusto rin daw niyang makipaghiwalay sa karelasyon kung paulit-ulit na lang ang nagiging problema nila, “Kasi kapag nagsawa na ako sa mga paulit-ulit na issue sa relationship, babu!

“Meron ako naging mga relationship na kapag nainis ako sa ‘yo at paulit-ulit na lang ang dahilan, kaya kong hindi ka kausapin ng three months unless you find a way, mag-reach out ka sa akin,” pag-amin pa niya.

“Meron pa nga dati, sinabi ko dati, lumuhod ka sa harapan ko. Hindi lang halata sa face, pero siguro masyado akong strong,” rebelasyon ni Kakai.

Ito naman ang mensahe niya sa lahat ng mga nagmamahal, “Kapag binibigyan mo ng permission ‘yung tao na saktan ka ng paulit ulit, mangyayari pa ‘yan kahit sa ibang mga relasyon mo.”

Kakai: Walang pera-pera ngayon, walang fame, walang everything…we are powerless

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kakai: Marami nang nag-betray sa akin pero wala namang pa-screen grab!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending